Wednesday, August 22, 2018


Pahalagahan ang Wikang Filipino
Ni: Jerald Barrios


Paano ba natin mapahalagahan ang ating sariling wika? Ang wika ay isang bagay na dapat pahalagahan dahil kong wala ang wika hindi tayo nagkakaintindihan, nagkakagulo tayo ngayon., at saka walang kapayapaan ang Pilipinas. Ngunit paano natin ito mapapahalagahan kong sariling wika natin ay hindi natin minamahal? Sa henerasyon ngayon mahioog na ang mga kabataan sa mga Ingles na telserye, drama, musika, artistang Ingles at iba pa. Meron ding Pilipino ang mahilig sa mga Foreigner na artista katuland ng Kpop, Australian, at iba pa. Mismong Pilipino ay hindi na nag papahalaga sa mismong artista o iba pa. Nag mula kay Gat. Jose P. Rizal ang katagang " ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabahong isda". Baket nya ba ito na sabi? Paano ba natin mapapahalagahan ang wikang Pilipino? Ano ang ating tungkulin bilang isang estudyante? Ano ang maitutulong natin?

Bilang isang Pilipino na estudyante may mga tungkulin din tayo sa ating bansa katulad ng pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ang isang paraan na magagawa mo upang mapanatili at mapahalagahan ang wika, kailangan nating sumali sa isang organisasyon na may tema o tungkulin na pahalagagan ang ating wika. Magkaroon kayo ng isang programa na "mageducate" sa mga Pilipino na dapat wag nating kalimutan ang sariling wika. Na dapat natin mahalin ito at ipa sa buhay. Turuan mag basa ang mga bata ng wikang Filipino. Mag ensayo ng pagsulat ng sanaysay gamit ang wika natin. Kong may diary ka gamitin mo ang lenggwahe natin. O di kaya'y sumulat ng tula gamit ang ating wika upang ma ipalabas mo ang iyong nararamdaman.

Kaya ingatan at mahalin natin ang sariling wika. Wag natin etong kalimutan, marunong dapat tayo mag pasalamtat sa Ama ng wikang Pambansa na si Manuel Luis Quezon. Kong hindi dahil sa kanya wala tayong kinikilalang sariling lenggwahe ang "Tagalog". Isa ito sa dahilan kong bakit nagkakaisa at nagkakaintoidohan tayo dahil nagagamit natin ang tagalog na salita. At ang wikang ito ay ginagamait natin sa pang araw-araw na buhay.


Wikang nakasanayan
Ni: Arjonalyn Yabut


Wika? Ano nga ba ang wika para sa ating lahat? Diba't ito ay ating ginagamit at ito'y nakasanayan na? Diba't ito rin ang dahilan kung bakit tayo nagkakaunawaan dahil sa wikang ginagamit natin sa pakikipagusap? Diba't ito rin ang ginagamit natin sa pagsusulat at pagawa ng sanaysay o tula katulad na lamang na ginagawa ko ngayon? Halinat talakayin natin kung ano nga ba ang wika para saatin.

Ang wikang nakasanayan natin ang siyang lagi nating binibigkas o ginagamit sa pang araw-ara , ito rin ang nakasanayan natin kung saang lugar man tayo naroroon dahil may iba't-ibang wika ang nabibigkas sa ibang lugar o baryo kung tawagin sa probinsya, ang wika ay napakahalaga sa ating mundo dahil ang wika ang siyang nagbibigay kung paano unawain ang kausap o isat-isa dahil dito nakakagawa din ito ng tula o kung ano pang kasulatan, sa panahon nating ngayon ang wika ay unti-unting nagbabago katulad na lamang ng beki "words" o kung ano pang wika ang naidadagdag sa ating bansa, kaya't ako'y mayroong sasabihin sa kapwa kong tao, bakit hindi natin tangkilin ang ating sariling wika, balikan natin ang sariling wika dahil ito ang wika na dapat nating ginagami , ang sariling wika at hindi yung kung ano mang wika ang nababago dahil natatabunan na natin ang sariling wika natin kaya sa aking kapwa tao mahalin natin kung anong wika ang nasaatin at dapat ito'y pahalagahan dahil ito'y nakalaan para sa atin.


Wikang Filipino, Bigyan Importansya
Ni: Candy Francisco


            Wikang Filipino, wika natin? Wika ng lahat? Bakit nga ba mahalagang malaman natin ang sariling wika natin? Nakatutulong bang malaman natin ang wika natin? Bakit nga ba mahalaga kailangan bigyan ng importansya ang wikang Filipino?

            Ang wikang Filipino ay wika nating mga Filipino na ating binibigkas upang maghatid ng impormasyon o upang makatanggap ng impormasyon. Ito ang isang daan upang makipag-ugnayan sa ating kapwa, sa asosasyon, sa institusyon, atbp. Nakatutulong din ang wika sa magandang unawaan, ugnayan at pagsasamahan, kaya naman mahalaga para sa ating mga Filipino na malaman ang sariling wika natin. Dahil rin sa wika kaya ang isang tao ay nakapagbibigay komunikasyon. Tayo ay nagkakaintindihan at nakakapagtulungan kung alam natin ang sariling wika natin. Ito rin ang isang sangkap upang mapalapit ang tao sa isa’t-isa at upang mapabilis ang pagsulong ng kaunlaran. Sa makatuwid, talagang kailangan natin ang wika sa ating  buhay. Kailangan natin bigyan importansya ang wikang Filipino dahil ito ang wika natin. Lalo na sa panahon ngayon na mas binibigyang pansin o importansya ang wikang ingles at iba pang mga wika imbes sa sarili nating wika.

            Karapat-dapat lamang na bigyan importansya ang wikang Filipino na wika natin dahil dito tayo’y nakikilala. Huwag nating hayaan na makalimutan ang sarili nating wika dahil lamang sa mga wikang banyaga. Wika natin, mahalin natin.


Ang kahalagahan nang Wika.
Ni: Vince Anthony Soldano


Bakit nga ba sobrang mahalaga ang wika? Bakit tayo may pambansang wika? Paano nga ba gamitin ng tama ang ating wika? Bakit may mga taong di ginagamit nang tama ang ating wika? Bakit may ibat ibang uri nang wika sa mundo? Bakit may mga bagong wikang nagsilabasan sa panahon ngayon na wala noon? Halinat alamin natin.

Ang kahalagahan ng ating wika ito ay sobrang mahalaga sa isang tao o kahit sa isang lipunan dahil ito ay ating ginagamit para makipag usap at para sa pakikipag komunikasyon. para sa pakikipag palitan ng ideya at impormasyon. Sobrang mahalaga nang wikang Filipino sa atin ito ay nagsisilbing simbolo na kung saan tayo nagmula at kung saan tayo nabibilang sa mundo ito rin ay nagsisilbing tatak, simbolo at tradisyon sa ating bansa. Meron tayong pambansang wika ito ay Filipino ang pambansang wika nang pilipinas meron tayong sariling wika sapagkat may sarili tayonmg kultura, pagiisip at pananaw na nanggaling sa ating mga ninuno na nagsimula sa mga malay na unti unting nagbago sa paglipas ng panahon  dahil sa pagbabagong ito unti unti naring natin nalinang at napagbuti ang paggamit at kung paano ito gamitin sa tamang paraan. Magagamit natin ang ating wika ng tama sa pamamagitan na hindi pagbabagop nang pagbigkas nito at sa paghbibigay iba nang kahulugan nito. Kahit sa ganong paraan may mga tao paring di ginagamit ng tama ang ating wika tulad nang mga bekiwords na salita ng mga bakla, meron ding jejewords na ginagamit naman nang mga jejemon meron ding taglish na halo sa dalawang salita na Filipino at Englis. Meron ibat ibang uri ng wika depende sa kultura, tradisyon at nakasanayan ng ibat ibang uri ng lokasyon nang bansa. May mga bagong wikang nagsilabasan ngayon dahil sa makabagong teknolohiya nasasalin salin ang mga impormasyon at ideya. Nasasalin ito mula sa isang lokasyon o grupo papunta sa isa pang lokasyon at kung ito ay nagustuhan nila ito ay kanilang tatangkilikin at dahil ditto unti unting nang naiiba ang ating wika at naapektuhan nadin ang ating sariling wika dahil dito.

Ang aking masasabi tungkol sa ating wikang Filipino ay sana gamitin natin ito sa tama at gamitin ito ng tama upang ating kasaysayan at wika ay mapreserba sa mahabang panahon. Dahil ang wika ang ating simbolo kung paano natin ito gamitin ang wika ay syang repleksyon nang ating pagkatao.      

Tuesday, August 21, 2018


Ang ating Wika
Ni: Nathalie R. Tria


Walang pinakamagandang yaman ng ating bansa itong tanging pamamaraan ng tao sa pakikipag-ugnayan niya sa kapwa sa asosasyon at sa institusyon malaking maiaambag ng wika sa pag kakaroon na maayos o magandang unawaang ugnayan at mabuting pagsasamahan kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan sa isang bayan paano kaya malalapit ang tao sa isa't-isa at paano kaya maipapahayag ng bawat isa ang kanilang mga damdamin sa bawat mga tanong nagpapatunay lamang na hindi sapat ang senyas at ingay o anumang paraan maaaring likhain ang tao upang matugunan ang mga katanungan sa lahat ng ito.

Naipadarama ng wika ang sidhi o bugso ng damdamin tulad ng lalim ng lungkot ang lawak ng saya, ang kahalagahan ng katuwiran, ang kabutihan ng layunin sa pamamagitan din ng wika na maipapahayag ang katotohanan sa isang intensyon pasasalamat at paghanga sa isang bagay o tao at ng iba pa nating nais na iparating sa sino mang ating kausap

Sa napakarami ng mga pagbabagong kailangan nating mas alagaan at pagyamanin pa ang ating kapakanan na mga henerasyon ang ating sariling wika ay kundasyon ng karunungan pagkakakilanlan ang bawat mamamayan pilipino, wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang  mabisang pakikipag talastasan at komunikasyon.

Kahalagahan ng Wikang Filipino
Ni: Patricia Anne Crisostomo


Ang wika ang pinakamahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Ito ang nagsisilbing kasangkapan upang maipahayag natin ng maayos ang ating saloobin. Ngunit ano nga ba talaga ang magandang naidudulot ng wika sa atin? Nakatutulong din ba ito sa ating bansa? At bakit natin ito kailangan pahalagahan?
Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang malaya ito. Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating pakikipagkomunikasyon. Dahil sa wika ay mas naipapahayag natin ng maayos ang sariling opinyon, damdamin at saloobin sa iba. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ang nagpapatunay na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Malaki ang nagagawa ng Wikang Filipino sa pagkakaroon ng magandang unawaan, samahan at ugnayan sa iba. Ang Wikang Filipino ay hindi lamang natin magagamit sa pakikipagkomunikasyon ngunit pati na rin sa ating ekonomiya. Sa ekonomiya, ito ang pangunahing kasangkapan upang maunawaan natin ang bawat aksyon o galaw patungkol sa transaksyonal ng mga produkto papalabas man o papasok ng ating bansa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng ekonomiya ay magandang dulot ng pagkakaunawaan. Napakaraming naitutulong sa atin ng Wikang Filipino kaya’t marapat lamang na ito’y ipagmalaki at pahalagahan.
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika talaga ang pinakamahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Mahalin natin at pahalagahan ng buong puso ang ating sariling wika hindi lamang sa salita ngunit pati na rin sa gawa. Huwag natin ikahiya bagkus ipagmalaki natin ito. Huwag natin kalimutan ang mga bayaning nagpursigi upang tayo’y maging malaya at magkaroon ng sarili nating wika.



ANG WIKANG FILIPINO ATING ISABUHAY
Mula kay: Kristine Gallego


Ano nga ba ang wika? Dapat ba natin isabuhay ang wika? Paano nga ba isabuhay ang wika o Sa paanong paaran isasabuhay ang wika? Ang wika ay mahalaga sa pang araw araw natin marapat natin isabuhay ang wika lalo na ang wikang atin, Ang wika ay nag sisilbing komunikasyon at upang mag kaintindihan ang nais maibahatid ang gustong layunin o isipan.
   
            Ang wika napakahalaga sa atin buhay dapat natin ito pahalagahan, bilang kabataan o mag aaral pwede natin mapalaganap o ma isabuhay ang wika lalo na ang wikang atin sa pamamagitan ng simpleng pag gawa ng pag sulat ,pag bahagi at marami pang iba. Sa pamamagitan ng wika natin para mapalaganap ang sariling wika natin, higit sa lahat mas gamitin natin sa pang araw-araw ang sarili atin hingkayatin natin ang mga kabataan na mas pag aralan o alamin ang sariling atin, dahil sa panahon ngayon nakakalungkot mas maraming kabataan ang nahihilig sa ibang wika mas binibigyan nila ng pansin ang ibang wika. Sa pamamagitan ng wikang sarili kung ginagamit ito sa pagpapaunlad ng kultura ay napapahalagahan din ito. Bilang isang kabataan sa panahong ito, napaliligiran tayo ng mga teknolohiya at social media websites. Maaaring gawin o gamiting plataporma ang mga ito para mas matuto at para mas magamit ang wikang sarili. Halimbawa pagtu-tweet sa wikang sarili at pagpo-post sa facebook at kung ano-ano pang website. Hindi dapat iyon ikinakahiya, at mas mahusay kung nasa tamang spelling at tamang balarila ang mga inilalagay sa internet at kung ano pa mang teknolohiya. Dito masusukat na sistematiko at may tunay na pagpapahalaga sa wikang sarili.

Ang wika gamitin sa pagpapalawak ng karunungan at kaunlaran ng bayang minamahal, Hindi lamang sa eskwelahan dapat din sa labas para mas maisabuhay natin, magagamit din natin ito sa pakikipag kapwa tao, Ang pakikinig at pakikialam kung ano ang wikang sarili ay mahalaga rin dahil sa ganitong paraan natututo. ang wika ay tanging daan patungo sa pambansang pagkakaunawaan.




  



“ANG KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA PILIPINO”
Ni: Rica Labro

Mahalaga ba ang wika? Tinatangkilik ba ng mga Pilipino ang sarili nating wika? Ito ba ay nakakatulong sa pagpalaganap ng saloobin? Imulat ang sarili at harapin ang katotohanan isa puso’t isip kung ano ba talaga ang kahalagahan ng wika .
Ang WIKA ito lamang ako nakakapagpapakita ng tunay na damdamin at saloobin ng bawat indibwal na tao ang wika ay nagpapatibay ng isang komunikasyon kung wala ito ang lipunan ay magulo at hindi makakaunawaan. Ang wika ay nagsisilbing boses upang maipahayag ang nais maibatid ika nga sa pamamagitan ng wika ay nagkakaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang buong mamamayan. Ito ang WIKA regalong pinakamagandang natanggap, nakamit, at natutunan natin mula sa ating mga ninuno. Ang kahalagahan ng wika ginagamit ito para makipagtalastasan isa itong instrumento na nagpapatibay upang ang Pilipino ay magkaisa upang mapaunlad pa ang ating sariling bansa. Wikang Pilipino ay sumisimbolo sa tunay na Pilipino gamitin ang wika sa maayos na larangan at mas patuloy na paunlarin ang wika.
Ito ang Wikang Filipino marapat na tangkilikin at ipagmalaki ang sariling wika kahit mag karoon ng kaalaman ng ibat-ibang lenggwahe sa ibat-ibang bansa marapat parin itong pahalagahan, mahalin, ipagmalki, at ingatan ang sarili nating wika.


 “WIKA, Tunay na yaman ng karunungan”
Ni: Cristine Jopson

Bakit ba natin dapat tangkilikin ang wikang sariling atin? Bakit ba madaming Pilipino and di maintindihan ang malalalim na salitang Filipino? Ito'y ilan lamang sa mga katanungang nais kong bigyan ng kalinawan.
Wika, sumisimbolo sa iyong kinabibilangang bansa. Wika din ang nagiging daan upang maihayag natin ang ating ninanais at nararamdaman. Mahalaga ang wika sa ating pang araw araw na pamumuhay. Dahil kung walang wika paano na mag kakaintindihan ang bawat mamamayan? Nakakalungkot isipin na madaming Pilipino ang di lubos maintindihan ang malalalim na salitang Filipino. Dahil sa wala silang sapat na kaalaman dito. Ngunit ang ibang lengwahe gaya ng Ingles ay tinatangkilik nila ito, dahil sa kanilang pananaw na ito'y nakakaganda sa kanilang sarili dahil sa tingin nila'y nakakasosyal ito sa pandinig. Ngunit di ba nila naiisip ang magiging epekto nito sa atin? Na nawawalan na ng saysay ang kanilang pagiging Filipino dahil sa mga pansarili nilang ninanais. Sabi nga ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na "Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda". Ngunit sa akong nakikita sa henerasyon ngayon  ito'y nababalewala. Dahil sa dumaraming lengwaheng naiimbento. Gaya na lamang ng bekiwords, jejewords at taglish. Ang mga wikang ito ay binabago ang paraan ng pakikipag komunikasyon. Halimbawa na lamang ay ang salitang " Gora" (salitang beki na ang ibig sabihin ay aalis) at ang salitang "Yaw q nah" (salitang jejewords na ang ibig sabihin ay ayaw ko na). Dahil sa mga salitang ito'y naapektuhan ang mga kabataan upang mahirapan intindihin ang ating sariling wika. Dahil din dito di na nabibigyang pansin ang wikang sariling atin. Sabi din ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal na "Ang kabataan ay pagasa ng bayan". Ngunit sa panahon ngayon ito'y hindi ko nakikita. Dahil aking napapansin ang kabataan ang madalas na gumagamit ng mga bagong naiimbentong wika/salita. Dahil sa nauusong text messaging ay naiimplewensyahan ang kabataan na maiba ang paraan ng pakikipag komunikasyon nila sa iba. Dahil dito limitado lamang ang kanilang nalalaman tungkol sa mga wikang malalim na sariling atin, dahil madalas nilang gamitin ang mga lengwaheng umuusbong sa ating henerasyon. Paano na ang susunod na henerasyon? Kung ngayon pa lamang ay talamak na ang mga kabataang nahihirapan umintindi ng mga malalalim na wikang Filipino.
Ang wika ay karunungan ng lahat kaya dapat natin itong tangkilikitin at mahalin. Dahil tayo bilang mamamayan ang magdadala ng wikang sariling atin. Itoy nakadepende kung paano natin ito gagamitin at pahahalagahan. Di naman masama na gamitin ang ibang lengwahe na ating nakasanayan ngunit ating mas bigyang pansin ang wikang ating kinagisnan. Ating sanayin ang bawat isa na pahalagahan ang mga sariling atin at atin itong tangkilikin upang itoy di mawalan ng saysay at kagisnan din ng susunod pang henerasyon. Dapat ang mga kabataan ang magiging modelo sa susunod na henerasyon upang magbigyang kahalagahan din ang mga  salitang binitawan ng ating bayani. Upang ang susunod nating henerasyon ay hindi na maapektuhan pa at kanilang kaugaliang gamitin at tangkilikin ang wikang sariling atin.


“ANG PAG GAMIT NG MGA WIKA NG DAYUHAN SA  ATING BANSA”
Mula kay: Charlotte Fortin


Ano nga ba ang importansya ng pag gamit ng sarling wikang atin? Ito nga ba ay isang kagandahang asal na isina sa buhay natin.  Ang pag gamit ng dayuhang salita ay isa sa mga laganap ngayon sa ating bansa. Dahil sa impluwensya ng mga dayuhan na sumakop sa ating bansa na isa buhay natin ang mga iba nilang kultura, pananamit at higit sa lahat ang mga salita. Isa sa mga pinapahalagahan ng mga tao ay ang mga salita na nag bubuklod buklod sa mga mamamayan ng mga bansa.
Imbis na salitang Filipino ang ating palawakin ay mas pinapalawak pa ngayon sa mga asignaturang paaralan ay ang wika ng mga dayuhan at isa nga ay ang wikang Ingles ng mga Amerikano. Ito ay ang sinasbai nilang wika ng pag kakaisa ng lahat ng mga bansa dahil sa buong mundo ito ay itinuturo. Ngunit dapat nating ipagmalaki ang ating wika ang wikang Filipino dahil ito ang pambang wika ang wika ng bansang Pilipinas ang nag bubuklod sa mga mamayan ng Pilipinas.
Ang mga mamayan ng bansang Pilipinas ay nag kakaintindihan sa pamamagitan ng salitang Filipino ito ay pinag kakaisa ang bawat rehiyon ng Pilipinas. Ang wikang Filipino ay dapat isa puso at isa buhay dahil ito ay isa pagiging parte ng isang tunay na Filipino.




 “Wikang Filipino, Wika ng Mundo”
Ni: Ranz Laiza Benitez


Ano nga ba ang wika? Ano ang kahalagahan ng wika sa isang bansa? Ano ang kahalagahan nito sa isang Pilipino?
Wika. Apat na letra, isang salita. Maikling salita kung babasahin ngunit ang kahulugan ay sadyang napakalalim. Ang wika ay isang pagkakakilanlan bilang isang tao. Sa ating bansa, Filipino ang ating Pambansang Wika. Ito ang ating ginagamit sa ating pang araw – araw upang tayo ay makapag bahagi nang ating opinyon, saloobin at maging nang damdamin.
Wika ay sadyang napakahalaga sa ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay may pagkakakilanlan at kung bakit tayo ay nagkakaunawaan. Wika ang nagsisilbing pundasyon upang lahat tayo ay magkaisa at magkaunawaan, iba't iba man ang lahi, kultura, at relihiyon nagkakaisa tayong lahat sa pamagigitan nang paggamit ng ating sariling Wika ang Wikang Filipino. Pasalita man o Pasulat nakakapag bahagi tayo nang ating kanya kanyang opinyon. Sa paglipas nang panahon at sa patuloy na pag unlad ng ekonomiya iba't ibang teknolohiya ang naimbento na nakatutulong sa atin upang mas mapabilis ang pagkakaunawaan. Ngunit ganun nalang din kabilis ang paglimot natin sa tunay na kahalagahan nang sarili nating Wika. Mas ginugusto nating aralin at paunlarin ang wikang banyaga kaysa sa sariling wika. Hindi masama na makisabay sa kung ano ang uso, ngunit hindi ba ma mas maganda kung papaunlarin natin ang ating sariling Wika.
Sabi nga ng ating Pambansang Bayani “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa isang malansang isda” kung kaya't nararapat lamang na mahalin at pagyamanin ang sarili nating wika, ang Wikang Filipino. Dahil kung ito rin ang magsisilbi nating sandata sa tagumpay. Ang Wika ng Mundo ay ang Wika ng Filipino.


“Wika ng Pagkaka-isa ng bawat Pilipino "
Mula kay: Tricia Feliciano


Tayong mga pilipino nga ba ay nararapat na magka-isa? ano ang iyong maibabahagi upang masabi na nakiki-isa ka sa bawat pilipino? bakit kailangan nating mga pilipino na magka-isa? ano ang kahalagahan ng pagkaka-isa sa bawat pilipino? nais mo bang maging bahagi ng pagpapalaganap ng pananaliksik sa pagkaka-isa ng bawat pilipino? tayong mga pilipino ay may iisang kulturang  pinaniniwalaan kung kaya't tayo'y dapat na magka-isa.

Ang Pilipino, ang sumasakop sa bansang pilipinas, dito tayo naninirahan, nagsisilbi, nag-aaral at iba pa. Ang bawat Pilipino ay maaaring magka-isa, sapagkat tayong mga pilipino ang instrumento upang umunlad ang bansang pilipinas. Ang bawat pilipino ay dapat tumutulong sa kanyang kapwa pilipino upang maipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan at iba pa. Ang pagkatuto ng pakiki-bahagi sa bawat pilipino ay isa rin instrumento upang tayo ay magka-intindihan at makakalap ng mga impormasyon tungo sa maunlad na pagkaka-isa. Ang kahalagahan ng pagkaka-isa ng bawat pilipino ay maaaring magtulungan upang ang bawat pag-subok ay mairesolba.

Hindi tayo makararanas ng pag-unlad kung ang ibang pilipino ay hindi nakiki-isa. Ang pakiki-isa sa bawat pilipino ay hindi lamang para sa iba, kundi para din sa ating sarili at sa ating bansa. Alam nating lahat na sa pamamagitan ng pagkaka-isa ay maaaring umunlad ang ating bansa. marami tayong nakukuhang impormasyon, kaalaman sa bawat kapwa pilipino na ating nakakasama at dahil dito mas napapatibay pa natin ang ating komunikasyon at relasyon sa bawat pilipino at higit sa lahat naibabahagi natin ang ating kaalaman na nagbigay naman sa kanila ng karunungan sa pakiki-isa ng bawat pilipino.


Pananaliksik tungo sa ating kaalaman sa Wikang Filipino
Panulat ni: Henessy Payumo

Maraming katanungan sa ating mga sarili kung bakit iba't iba ang ginagamit nating wika. Bakit kaya mas maraming natututunan ang salitang ingles kaysa filipino? Ano ang pinagka-iba ng wikang filipino sa salitang ingles? Bakit napapadalas na mas natutunan ang ingles kaysa sa wikang filipino? Napapadalas ang paggamit ng banyagang wikang ingles sa mga asignatura at dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang pag-intindi naman sa sariling wika ang kapalit. Dahil sa ating mga inaaral mas nakasanayan natin na gamitin ang wikang ingles kaysa filipino kahit sa mga mga simpleng pang araw na pakikisalamuha sa buhay. Saatin pumapangalawa ang wikang filipino sa wikang ingles. Dahil dito matutukoy kinakailangan ng isang wika sa pagtuturo ng mga asignatura upang malaman kung mas epektibo ang paggamit ng sariling wika sa pagtuturo. Dahil sa pananaliksik na ito makakatulong at mauunawaan na hindi lamang estudyante kundi sa pangkalahatan ang kahalagahan ng kanilang sariling sika. Sa pananaliksik mapaparating natin na may epekto at mabuting naidudulot ng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral.
Sa ating lahat makakatulong na lubos nilang dapat maintindihan na hindi ang paggamit ng wikang ingles ang solusyon sa mabuting pag-aaral. Para saakin maaaring dapat pantay, kung alam natin ang paggamit ng wikang ingles dapat mas alam natin ang paggamit ng wikang filipino. Dahil ito ang pinaka mahalaga at importante saatin. Ito ang dapat hindi natin kalimutan. Ang pagsasalita ng ingles ay hindi natin minamasama. Dahil kailngan din natin itong gamitin sa pakikipag komunikasyon. Ngunit hindi kinakailangan na lagi itong gamitin. Dahil ang pambansang wika natin at ang Filipino.
At sa paggamit dito mas maiintindihan,mauunawaan at mapapabilis na matututunan ang paggamit ng ating wika. Kung ang wikang ingles mauunawaan din natin ito hindi lang sa pagtuturo ng mga guro kung hinde sa pagtuturo din sa ating sarili. Dahil ayon naman sa nakuha kong impormasyon ang suliranin ng mag-aaral sa ating bayan ay kung paano isasalin ang kaalaman mula sa paaralan patungo sa masa. Dahil ang wikang ingles at hindi siyang lunas. Sanayin natin magsalita ng wikang filipino kahit sa simpleng pang araw araw na pakikisalamuha sa buhay. Intindihin nating mabuting at sariling wika bago intindihin ang iba. Bigyan importansya at kahalagahan ang sariling wika. Huwag nating balewalahin ang wikang filipino dahil ito ang sarili nating wika.



Wikang kinalakihan
Ni: Joshua Joaquin


Ang pagsilang sa bansang Pilipinas ay isang malaking biyaya galing sa panginoon, ngunit sa ating paglaki maraming pagsubok na nagdaan sa ating paligid , tayo’y naimpluwensiyahan  ng mga banyagang salita lalo na’t sa iskwelahan na kinakailangan ng lengguwaheng banyaga. Ngunit subalit datapwat sa iskwelahan din natin malalaman kung gaano kahalaga ang ating sariling wika at paano pahahalagahan ito, ang pagpapahalaga ba natin sa ating sariling wika ay nananatili padin bang matatag? Ang wikang Flilipino ay isang instrumento sa pakikipagkomunikasyon.  Maraming magkakaibang dayalekto sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, isa o dalawang dyalekto para sa bawat pangkat ng Pilipino sa iba’t-ibang sulok ng bansa. Ang dayalekto   ng mga tao sa Pilipinas ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Kahit na may isang pambansang wika ang Pilipinas, iba-iba parin ang ginagamit ng mga mamamayan dito. Ilan sa mga dayalekto ay ang Ilokano, Kapampangan, Bisaya at marami pang iba. Ang ibang dayalekto din naman ay may iba’tibang klaseng dayalekto(subdialect)pa tulad ng . Halos lahat naman ay marunong magsalita ng wikang Filipino pero may mga Pilipino paring hindi gaanong marunong magsalita ng Filipino, ang iba nga’y ni hindi man lang marunong magsalita ng pambansang wika. Ang alam lang ng iba ay ang kanilang dayalektong kinalakihan.
Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit kailan at saan man tayo magpunta.
Sabi pa nga  ating bayani na si Dr. Jose Rizal ” Ang hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.” Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. Ipakita natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga.


Wikang Filipino
Ni: Christine Joy Pelagio


Ano ba ang wika ? Bakit ito pinapahalagahan at pinagdiriwang sa buwan ng wika? Ilan lamang katanungan sa aking kaisipan kung bakit ganon na lamang ang kahalaga ng wika sa ating bansa .
Ayon sa aking pagsasaliksik ang wika ay ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Ginagamitan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Wika ay isang komunikasyon ang nagbigay daan upang magkaunaawaan at pagkakaisa ng mga tao. Ito rin ay isang dakilang regalo ng maykapal sa ating dahil sa laki ng nagagawa ng wika sa ating buhay ito ang nag sisilbing paraan upang maiparating ang ating mga saloobin . Maraming paraan para maibahagi ang mensahe ng mabilis dahil sa mga makabagong teknolohiya  katulad ng telebisyon, internet, radyo, at iba pa. Dahil dito maraming ang  nakakarinig at nakakakita ng mga mesahe nais na iparating  sa mamamayan . Tangkilikin ang mga gawang filipino literatura at sining para hindi makalimutan ng mga bagong henerasyon ang ganda ng ating kultura noon hanggang ngayon.
Ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika dahil sa araw na ito ay nag karoon tayo ng sariling pagkakakilanlan at kalayaan sa mga dayuhan na sumakop sa ating bansa . Ito ay araw ng pag gunita ng iba't ibang kultura at tradisyon ng ating bansa na minsan na lamang maalala at pag gunita ng mga bayaning nag buwis ng buhay para lang makuha ang kalayaan ng ating bansa.
Wika pambansa ay siyang susi sa pagkakaisa ng damdamin at diwa ng mga mamamayan na dapat natin ipagmalaki bilang isang pilipino. Kaya naman atin pahalagahan dahil ito ay parte na ng ating nakaraan at kasalukuyan .





WIKANG PAGBABAGO
Ni: Quenny Tingson


Kung wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Ano ba ang napapansin mo sa ating sariling wika? marami na bang mga nagbago? ano ba ng naidudulot sayo ng ating wikang Filipino? Ang pagbabago ay kailanman hindi natin maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot ng positibong resulta.
Ang pagbabago ay hindi masamang bagay marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang resulta pero kadalasan naman ay maganda ang kinalalabasan.Kagaya ng ating sariling wika and wikang Filipino ito ay sinasabing wikang mapagbago na kung saan maraming mga magagandang naidudulot sa bawat isa sa atin kagaya na lamang ng mas nauunawaan natin ang ating mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti ang ating mga nararamdaman at gustong sabihin sa ating kapwa. Iilan lamang yan sa mga mabuting epekto ng palaging pagamit ng ating wika.
Dahilan na rin ng mabilis na paglipas ng panahon marami ng mga pagbabagong naganap sa wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto upang maging maunlad ang isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan. Gamitin ito ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa sa ating mga Pilipino. Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang pakikipagtalastasan at komunikasyon. 



“WIKANG KINAGISNAN, ATING PAHALAGAHAN”
                                                                   Ni: Cheryl Heredia

            Paano natin mailalarawan ang kagandahan ng wika? Bakit kailangang maipakilala ang ating sariling wika sa lahat ng antas ng ating pamumuhay? Ang wika ay maikling salita ngunit ang kahulugan at katangian nito ay napakalim at napakalawak. Maaari nitong mapaunlad ang isang tao o bansa. Hindi lingid sa ating kaalaman, na ang wika ay napakahalaga sa ating lipunan. Ito ay nagsisilbing pundasyon upang tayo ay magkaroon ng ugnayan sa bawat isa. Sa pamamagitan nito naipapahayag natin ang ating sariling palaisipan at saloobin. Sa ganung paraan ay matatamo natin ang  isang maayos na lipunan kung tayo ay magkakaroon ng maayos na ugnayan.  Ang wika ang sumasalamin sa ating kultura at  nagsisilbing sagisag  ng  ating pagkakakilanlan  na  siyang nagbubuklod sa  bawat mamamayang Pilipino. Kung atin lamang kilalanin at balikang-tanaw ang tungkol sa kasaysayan ng ating bansa ay mas lalo nating maiintindihan at mauunawaan ang mga pangyayari sa kasalukuyan at ito’y magsisilbing ating gabay tungo sa kaunlaran sa hinaharap.

  Bilang pagtugon sa temang, “Filipino: Wika ng Saliksik, ito ay aking maituturing na napakabuti at napakahusay na adhikain. Sapagkat nabibigyan natin ng pansin ang malalim na kahalagahan  ng ating sariling wika. At bilang Pilipino, tayo ang pangunahing responsable sa pagpapahayag at pagpapalaganap nito sa anomang uri ng kalagayang at larangang  panlipunan.  Ako ay naniniwala na likas sa ating mga Pilipino ang mahusay sa pananaliksik. Sa katunayan, maging ang mga walang kabuluhang bagay na walang kaugnayan sa ating buhay ay nabibigyan natin ng panahon na tuklasin sanhi ng ating pagkamausisa. Ang kakayanang ito ay maaari nating gamitin sa pagbabago ng ating  bansa patungo sa kaunlaran. Sapagkat sa panahon ngayon, malakas ang hatak ng pagbabago sanhi ng napakabilis na modernisasyon at maaari tayong sumabay sa pagbabagong ito kung tayo ay patuloy na magkakaisa sa isang mithiin at adhikain na mapaunlad ang ating bansa sa larangan  man ng ekonomiya, edukasyon, kultura at pamahalaan gamit ang wikang ating kinagisnan. Sa pananaliksik gamit ang ating sariling wika ay magagawa nating tuklasin ang mga kaalamang maaari pa nating magamit sa pagpapabuti ng kalagayan ng ating bansa at sa pamamagitan din nito ay mas lalo nating mabibigyang  diin ang pagpapatibay ng pagkakakilanlan ng ating lahi.

            Sa aking obserbasyon, nararamdaman ko na karamihan sa ating mga Pilipino ay nagnanais na makatugon at makabahagi sa pagpapahayag at pagpapalaganap ng ating sariling wika tungo sa kaunlaran. Lahat tayo ay may sariling pamamaraan kung paano natin ito maiingatan ta mapapanatili. Ano man ang ating kalagayan sa lipunan, tayo man ay estudyante, guro, manggagawa, makapangyarihan  o simpleng mamamayan ay maaaring makabahagi dito na maaari nating mapasimulan sa ating mga tahanan, paaralan at komunidad. Pangunahin sa lahat, simulan natin sa ating sarili ang pagbabago na gusto nating makamit at makita sa ating bansa. Ugaliin natin na tumulong  at mapaglingkuran ang ating bansa kahit sa maliit na paraan. Kahit tayo man ay simpleng mamamayan,maging responsable tayo sa lahat ng ating gagawin.  Tuparin natin ang ating mga tungkulin at sumunod tayo sa mga tuntunin. Bawat isa sa atin ay may magagawa. Huwag nating maliitin ang ating sarili. Wala sa edad o sa estado ng buhay, lahat tayo ay may sari-sariling kontribusyon sa bansa sapagkat ang pangarap at adhikain ng bawat isa ang siyang huhubog sa ating hinaharap.Taglayin natin ang pagmamahal at pagpapahalaga sa sarili nating wika,patuloy natin itong tangkilikin at huwag hayaang ito’y mawala sa atin dahil ito ang pinakamabisang sandata sa ating pagtatagumpay. Huwag natin itong hayaang mapako lamang bagkos ating pasimulan sa isang araw lang hanggang sa ating nang makasanayan.



“WIKANG FILIPINO ATING ITAGUYOD”
Mula kay: Magie Mendoza

          Hindi mo ba nakikita ang importansya ng ating wika? Bakit ba natin dapat itaguyod ang ating sariling wika? Ito’y ilan lamang sa mga katanungang bigyan ng kalinawan.
           Wikang Filipino ay talagang nagiging isang simbolo ng pagiging ganap na malaya ang ating bansa mula sa mga dayuhang sumakop sa atin. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa buhay nating lahat. Walang taong makapagsasabing ni minsan ay hindi siya gumamit ng sariling wika. Sa panahon ngayon na puno na nang pagbabago mula sa kung paano manumit ang mga tao, sa paraan ng pananalita, sa mga bagong teknilohiya, ay hindi kana rin magtataka kung pati ang ating pagbibigay halaga saating sariling wika ay nawala na rin. Sa isang bansa ang pagkakaroon ng sariling wika ay napakaimportnate nito dahil ito ang dahilan para ang mga mamamayan ay magkaunawaan. Tulad ng Pilipinas na may Wikang Filipino ito ang rason kung bakit kahit may iba’t-ibang dyalekto tuwing gagamitin natin ang ating wikang pambansa tayuong lahat ay magkakaisa at nagkakaintindihan. Kahit kalian hindi natin ito mawawaksi ang Wikang Filipino sa atin dahil kahit hindi nakikitang iba ang halaga nito, ito ang ginagamit natin at ito ay sariling atin. Kaya tayong mamamayang Pilipino dapat nating pahalagahan, tangkilikin at mahalin ang ating Wikang Filipino dahil ito ang ginagamit natin pangkomunikasyon, pang-transaksyon at ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon tayong lahat ay magkaugnay bilang iisang ipinagmamalaking Pilipino.
           Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisiyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulagang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintidahan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga nag wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at mayroon sila. Ang isang tao ay gumagamit ng Wikang Filipino ibig sabihin  isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling Wika? Ito ay ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila ang sarili nilang Wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuno sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang sariling Wika. Nasa atin ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay. Dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit kalian at saan kahit saan man tayo magpunta.
          Mahalaga talaga ang Wikang Filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling Wikang ipinagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay wag nating ikakahiya ang ating Wikang Filipino. Ipakita natinsa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magroon ng Wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga. Mahalin natin ang ating sariling wika sa  paraan ng pagbibigay halaga ng ating wika.
         





    

Wikang Filipino ay dapat ipalaganap
Ni: Angelica Mae Buenavista


Ano nga ba ang wikang Filipino? Filipino ang wika ng mga pinoy, ito ang ginagamit mg bawat isa upang mapalaganap ang kanilang kaalaman o kaya naman ay magkaroon ng bagong kaalaman. Ito ay katutubong wika sa pasalita o pasulat. Ngunit, bakit karamihan sa  henerasyon ngayon ay hindi marunong magsalita ng Wikang Filipino?   Bakit mas madaming may alam sa wikang ingles?
Marami sa atin ngayon ang mas pinagaaralan ang wikang ingles. Masakit isipin na karamihan sa mga Pilipino ay hindi marunong ng wikang filipino. Sobrang importante ng wika sa isang bansa dahil dito nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang bansa. Kaya’t dapat natin ipalaganap ang wikang Filipino sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapaintindi sa bawat isa kung gaano kahalaga ang wikang Filipino. Tandaan na dahil sa wika kung bakit nakikilala ang isang tao, kung ano ang lahi nito. Ang pagbabahagi ng kulturang Filipino sa mamamayan ng mundo ay magdadala ng pagkabihasa ng mga banyaga sa katauhan ng Filipino. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman sa wikang Filipino maraming matuto o magkakaron ng kaalaman sa pag gamit ng wikang ito. Maganda sa isang bansa na laganap ang isang wika dahil dito nakikita ang pagmamahal sa bansa
Nararapat lang natin pahalagahan ang wikang Filipino at kilalanin ang makulay nitong kasaysayan at alamin ang kosepto nito at importansya sa lipunan dahil nakikita dito ang sarili nating pagkakakilanlan.



"Wikang Filipino"
Ni: Andrea Silvio

Ano nga ba ang wika? Bakit kailangan matutunan ng bawat pilipino ang wikang filipino? Bakit mahalaga na maisabuhay ito ng mga pilipino?
Ang wika ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog at mga kaugnayan na bantas uoang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan. Una sa lahat, kailangan matutunan ito ng bawat pilipino dahil ang ating wika ang nagbubuklod-buklod sa ating bansa. Ang wikang filipino ay mayroong naidudulot sa ating bansa isa na dito ang pagbibigay ng pagkakakilanlan sa mga taong naninirahan dito. Mahalagang isabuhay ito ng mga pilipino dahil para mas malaman nila ang importansya o kahalagahan ng wikang filipino na dapat mas pinagtutuunan nila ng pansinbna matutunan kesa sa ibang lenggwahe o wika ng ibang mga bansa. Napakahalaga na bawat isa sa atin ay malaman o matutunan ang wikang ito dahil dito natin napapahayag ang ating mga damdamin at saloobin.
Upang mapanatiling buhay ang ating wika, mas nanaisin kong maibalik ang pagtuturo ng wikang filipino sa kahit anong antas ng paaralan pampubliko man ito o pribado. Dahil ang pagkakaroon ng kaalaman sa wikang ating kinalakihan ay sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga mamamayan ng isang bansa.


"TUNGO SA PAGKAKAISA NG BAWAT PILIPINO SA WIKANG FILIPINO"
Ni: Maria Victoria Karla Landas

Nakakatulong ba ang Wikang Filipino sa atin? Bakit nga ba ito mahalaga? Ito ang Wikang Filipino na nagbibigay pag-asa sa ating mga pilipino, na nagpaunlad sa ating sariling bayan. Bukasan ang inyong isip at isa puso ang bawat salita na inyong nababasa. Itanim sa puso't isipan ang aral para matanaw ang kaalaman na nag-uumapaw. Dahil ngayong Buwan ng Agosto tayo'y magpapamalas at magbabalik tanaw, nang minsan ang pambansang wika, ang sariling wika, ang wika natin ay binuo.
Wikang Filipino, wika ng bawat pilipino. Ikaw, ako, tayo ay iisa sa mundong pilit tayong binabago. Noon ang ating mundo'y puro gulo lamang ang kinagisnan. Bawat sibilisasyon bingi. Bingi sa bawat boses ng bayan, sarado ang puso't isipan at hindi mailathala ang pagkakaintindihan, maging ang mga pangkat ay watak-watak sa ginagalawan. Oo nga't may puso ang bawat isa, ngunit hindi ito maipahayag ng tama pagkat walang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa bawat tinubuang lupa. Paglalakbay na hindi alam kung saan paroroon, konting porsyento ng pag-asa'y pa wala na. Liwanag ng buhay ay hindi na madama, ngunit may isang wikang namumukadkad. Ito... Ito ang WIKANG FILIPINO. Dumating ang wika na siyang nagligpit at nag-ayos na iniwan ng nakaraan. Wikang nagsilbing pandikit na ipinagdikit-dikit ang bawat watak-watak hanggang sa magbuklod ang mamamayan. Wikang nagtahi ng punit-punit na kultura, na sa bawat pagtusok ng karayom ay unti-unting binuo ng sambayanan. Ang lamat na kinagisnan ay inukit at pinalitan ng bawat letrang tungo sa pagkakaintindihan.
Dito na nagsimula ang mabilis na komunikasyon na nagbigay daan upang dumami ang ideya at opinion, sa kabila ng iba't-ibang paniniwala, ay pinagkaisa bawat pilipino. At ginamit ito tungo sa pambansang kaunlaran. Ang wala ay nagkaroon, ang mayroon ay lumago. Dahil sa wika na ginagamit ng mga Pilipino, sa bawat giyera ng buhay na kinakaharap ay may hawak  sandata. Ito... Ito ang ating wika. ANG WIKANG FILIPINO! Sa kasalukuyan mapapansin natin ang mga kabuteng wika sa ating bayan, na pilit tayong binagabo at naiimpluwensyahan ngunit bilang tapat na pilipino, iisa lang ang nakaukit sa ating palad. Ito... Ito ANG WIKANG FILIPINO. Maaaring natututo tayo ng iba't ibang wika, datapwat dapat nating tangkilikin ang wikang atin. Palaguin natin ang ating sariling bokabularyo, upang maipakita sa sariling wika'y may malasakit tayo at masasabi natin ang pagmamahal sa bayan ay totoo.


Wika ng Karunungan at Kaunlaran
Ni: John Kelvin Manuel


          Para sa taong 2018, ang tema ng ating Buwan ng Wika ay “Filipino: Wika ng Saliksik”. Ang ating sariling wika ang gagamiting midyum sa paglaganap ng karunungan at kaunlaran sa ating bansa. Kay gandang isipin na ang sariling atin mismo ang magiging daan upang madagdagan ang karunungan na ating taglay. Kung ating titignan ay uunlad ang iyong pagkatao sa bagong kaalaman kasabay ang pag-unlad ng iyong sariling wika at bansa. Pero bukod sa mga ito, bakit itong tema ang pinagtibay ng Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24? At sa iyong tingin, ano ang siguradong kakalabasan ng ating Buwan ng Wika na ito? Sino ang mga totoong nais makibahagi sa pagpapalaganap ng temang ito? Saan ang mga larangan na masasakop nito? Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tema sa ating Buwan ng Wika? Kailan bibigyang kahalagahan ang sariling wika natin? Paano mapapatupad ng ating Kalupunan ang temang ito? Ano ang mga kailangang isauna upang maging matagumpay ang Buwan ng Wika sa taong ito? Kung saang aspeto sisimulan ang pagpapatupad at paggamit ng ating wika sa paglaganap ng karunungan? Kaninong kapakanan ang mapapaunlad ng temang ito? At bukod sa mga katanungang ito, ano-ano ang mga naiisip mong layunin ng paggamit ng ating wikang sa pagsasaliksik na may kahalagahan sa bawat isang Filipino at sa ating bansa na sakop din ang iba’t ibang antas ng karunungan katulad ng matematika at agham?
          Para sa akin, napakahalaga ng ating wika upang umunlad ang bawat isa sa atin. Kaya naman ipinagtibay ng ating Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 ang temang ito upang magamit at mahalin natin ang sariling atin lalo na ang ating pambansang wika. Siguradong marami silang plano upang maging matagumpay ang ating Buwan ng Wika pero tayo mismo ang kusang dapat nakikilahok sa mga ganitong aktibidad para sa pag-unlad ng ating bansa. Malawak din ang larangan sa karunungan ang sakop nito na ating ikinaganda dahil sa pagkakaroon ng tiyak na tema ay alam natin kung saan mismo tayo tututok at magsisimula. Kung hindi man natin pinapahalagahan ang sariling atin ay ito na siguro ang magiging simula upang tayo’y mapamahal kahit lamang sa ating wika. Tayo lamang ang magiging pag-asa at makakatulong sa pagpapatupad nito na ikakatagumpay ng ating Buwan ng Wika kapag inuna natin ang kapakanan ng sariling bansa at pang-unlad natin. Kailangan nating simula sa sarili mismo natin upang tuloy-tuloy ang pagpapatupad at paggamit ng ating wika na kapakanan din natin mismong mapapaunlad lalo na sa karunungan. Marami ang dulot ng tema ng Buwan ng Wika natin ngayong taon at sa aking palagay din magaganda ang layunin nito para sa atin. Ang pag-unlad ng ating wika at bansa, matutong mahalin ang sariling atin, pag-unlad ng sariling pagkatao at ang dagdag kaalaman o karunungan ay ang mga layunin ng paggamit sa ng wikang Filipino sa paglaganap sa karunungan at kaunlaran sa ating bansa.
          Bilang mag-aaral at isang mamamayang Filipino, dapat lamang na mahalin natin at paunlarin ang mga bagay na sariling atin lalo na ang ating pambansang wika. Marami ang mga natutunan at napatunayan base sa sanaysay na ito. Ang bawat tema na pinapalaganap sa Buwan ng Wika ay may kanya-kanyang layunin pero kung titignan ay iisa lamang ang gusto nito kundi ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino para sa ating bansa. Ang mga napulot na aral sa tema at kahit sa mismong pamagat lamang ay napakahalaga sa bawat isa sa atin. Ito ay tumutukoy na kailangan natin ng pagkakaisa upang umunlad sa maraming aspeto ng ating buhay pati sa aspeto ng karunungan. Kaya para sa akin, huwag natin kakalimutan na unahin ang sariling atin dahil wala ng ibang magmamahal dito kung mismong tayong mamamayan ng ating bansa ay hindi natin ito minamahal. Tayo mismo dapat ang maging modelo sa pagmamahal ng sariling atin.


 Filipino sa Makabagong Henerasyon
Mula kay: Jan-Vincent Chua


Kay bilis nagbabago ang panahoin ngayon kasabay nito ay ang mga makabagong pamamaraan at kagamitan na ginagamit sa larangan ng komunikasyon. Bakit di natin saliksikin ang mga pagbabago sa wikang Filipino ng kasalukuyan henerasyon. Ano-ano na ba ang nagbago dito? Paano ito nakakaapekto sa pang araw-araw natin pamumuhay? At Paano nito hinuhubog ang kaisipan ng mga susunod na pag-asa ng bayan?
 Ang pagbabago sa wikang Filipino ay may malaking epekto na maaring mabuti o masama sa ating sariling wika. Mabuti dahil mas napapabilis nito ang komunikasyon at pagsasalin nang impormasyon sa ating wika. Isang halimbawa nang mabuting pagbabago ay ang pag-iksi nang mga salita tulad nang KKB  na ibig sabihin ay kanya kanyang bayad, maiksi lang pero may kahulugan. Mabuting pagbabago rin ang paglikha nang bagong salita na akma sa ating panahon tulad keyk (cake), selfie (litrato), viral (bagong sikat na balita),keri (kaya yan) at marami pang iba.
Para naman sa masamang epekto nang pagbabago ng wika ay ang paghina na ating memorya sa spelling. Pagkalimot o hindi na maintindihan ang mga salita na tinuturo noon, halimbawa na lang ng salitang katipan(syota), kubyertos (kutsara o tinidor),katoto (kaibigan), batalan (lababo) at iba pa, na hindi na alamng maraming Pilipino ang ibig sabihin.
Sa panahong ito na marami nang makabagong teknolohiya para sa komunikasyon at paghanap nang impormasyon. Kailangan din nang wikang Filipino na makipagsabayan sa ibang Lenguahe na pumapasok sa ating bansa. Nakakatulong ang pagbabagong ito para makasabay ang bagong henerasyon na maging “Globally Competitive” sa larangan nang komunikasyon at pagkalap ng  impormasyon.Ngunit kaakibat ng mga pagbabagong ito, dapat din natin isipin ang preserbasyon at paglilinang ng wikang Filipino sa makabagong panahon.


Filipino Bilang Wika ng Pananaliksik
Ni: Mirachelle Andaya

                  Ang wika ay isang napakahalagang elemento at sangkap ng isang matatag na bansa. Ito ang nagsisilbing pagkakakilanlan ng isang bansa at mga mamamayan nito. Hindi lamang pambansang pagkakaunawaan ang hatid ng wika kundi pagkakabuklod buklod ng bawat isa sa hangaring makamtan ang mapayapa at progresibong pamayanan. Ikaw, pinapahalagahan mo ba ang sarili mong wika? Ano sa tingin mo ang iyong magagawa upang malinang pa lalo ang ating sariling wika?
                 Ang ating wika ay maraming nagagawang pakinabang sa ating minamahal na bansa, ito ay nakatutulong sa epektibong pagsasaliksik. Ang pagsasaliksik ay napakaimportante sa pag unlad ng isang bansa. Mas higit na mapapabuti ang pagsasaliksik kung gagamitin ang sariling wika, sa pamamagitan nito ay mas maipapahayag ng malinaw ang mga nakalap na impormasyon. Sa panahon ngayon mainam ng gamitin ang sariling atin upang mas marami ang makainti ng bawat importanteng impormasyon na nais ipahiwatig. Isa sa mga sikat na halimbawa ng isang saliksik o research sa ingles ay ang paggawa ng thesis o masusing pag-aaral. Bawat estudyante bago makapagtapos ay kailangan gumawa ng isang thesis. Sa paggawa ng thesis mas mainam na gamitin ang ating sariling wika sa kadahilanang mas magiging epektibo at mas mauunawan ng mas nakararami ang nilalaman nito. Isa sa mga hakbang sa paggawa ng isang thesis ay ang pagkalap ng impormasyon sa pamamagitan ng mga sasagot ng ilang mga mahahalagang katanungan. Kung ang wikang Filipino ang siyang gagamiting dito, higit ng mauunawaan at mas makapagbibigay ng magandang sagot ang mga napiling respondents. Hindi lamang sa thesis nagkakaroon ng masusing pagsasaliksik sa mababang paaralan at maging sa sekondarya ay marami naring mga pagsasaliksik.
               Ang wikang Filipino ang siyang nagsisilbing pagkakakilanlan sa ating mga Filipino. Ito ay kailangang linangin at pakahalagahang upang ng may magamit ang mga susunod pang mga henerasyon.


      "WIKA TUNGO SA PAG ASENSO"
Panulat ni: Jameelah A. Villanueva

 Isa ka rin ba sa nga taong nagtatanong,may pakialam, at my sariling paninindigan sa wika. o isa ka sa mga taong walang pakialam sa wika na basta makapagpahayag ay ayos na , makapagpadala ng impormasyon pwede na , makipag ugnayan sa kapwa tao ay okay na. o baka naman isa ka sa mga taong mas tinatangkilik ang ibang wika kaysa sarili wika. Simulan natin,  Wika! , Wika ang nagbubuklod sa atin.  Wika rin ang siyang nagiging pagkakakilanlan natin, wika din ang tanging dahilan kung bakit patuloy tayong umuunlad. Hanggang kailan nga ba natin ito magagamit? sa makabagong panahon maaari bang magbago ang wikang kinagisnan natin? Sino ang mananagot sa kung ang wika natin ay unti-unting matatabunan o mapapalitan ng ibang wika? Ano nga ba ang magagawa ng wikang saliksik sa ating bansa? . Isa-Isahin natin.may iba't-ibang barayti ang wika.Ngunit bigyan nating toon ang wikang Saliksik.
Wikang saliksik ito ay nagpapahayag na ang wikang sariling atin ang FILIPINO ay mainam na instrumento sa mahusay na pananaliksik o "Research" . Ang pananaliksik ay ang pagtuklas at pagbuo ng mga kaalamang magagamit sa pagpapabuti ng ating kalagayan na ang mithiin ay umunlad sa larangan ng ekonomiya , edukasyon , pamamahala at kalagayang panlipunan. Kung patuloy nating gagamitin ang wikang atin sa pananaliksik hanggang kasalukuyan ito ay maaring mananatiling buhay sa bawat indibidwal mas maraming bagay na matutuklasan . Magagamit natin ito hanggang sa may mga kabataang patuloy na mas tatangkilikin ang wikang atin sa pananaliksik . Ngunit sa kabilang dako dahil sa mga makabagong teknolohiya , bagong panahon , unti-unting nagbabago ang lahat mga pilipinong mas tangkilik ang salita ng mga taga korea , mga pilipinong mas magaling sa wikang Ingles kaysa sa pilipino . Sa madaling salita tayong mga pilipinong din ang siyang my papanagutan sa unti-unting pagbabago ng wikang sariling atin.
Kung patuloy nating gagamitin ang wikang atin (Filipino) sa pananaliksik , maaring ito ay mas magiging epektibo para sa ibang mga taong nangangailangan din ng kasagutan sa pananaliksik. Dahil din sa pananaliksik dahilan kung bakit tayo ay patuloy na umuunlad hindi lang sa sarili kundi sa buong bansa. dahil sa pananaliksik ito ay mas naging mabisang paraan upang makapagbigay ng ideya , kaalaman sa lahat ng idibdiwal. Hindi lingid sa kaalaman ang dagliang pagbabago ng napakaraming bagay sa mundo , Kaya napakalaking hamon  ang pagsagawa ng pananaliksik at ito ay isinusulong upang magkaroon ng matibay na wikang FILIPINO.Para sa mga nakararami mas mainam nating palaganapin ang wikang filipino . Upang ito ay manitili sa ating lipunan, pamahayanan, komunidad. Dahil ito ang tanging daan upang mas patuloy tayo umunla .Marami mang magbago dahil sa mga pananaliksik ngunit huwag nating kalimutan ang tunay na atin ang WIKANG FILIPINO.