Tuesday, August 21, 2018


“WIKANG FILIPINO ATING ITAGUYOD”
Mula kay: Magie Mendoza

          Hindi mo ba nakikita ang importansya ng ating wika? Bakit ba natin dapat itaguyod ang ating sariling wika? Ito’y ilan lamang sa mga katanungang bigyan ng kalinawan.
           Wikang Filipino ay talagang nagiging isang simbolo ng pagiging ganap na malaya ang ating bansa mula sa mga dayuhang sumakop sa atin. Mahalaga ang papel na ginagampanan nito sa buhay nating lahat. Walang taong makapagsasabing ni minsan ay hindi siya gumamit ng sariling wika. Sa panahon ngayon na puno na nang pagbabago mula sa kung paano manumit ang mga tao, sa paraan ng pananalita, sa mga bagong teknilohiya, ay hindi kana rin magtataka kung pati ang ating pagbibigay halaga saating sariling wika ay nawala na rin. Sa isang bansa ang pagkakaroon ng sariling wika ay napakaimportnate nito dahil ito ang dahilan para ang mga mamamayan ay magkaunawaan. Tulad ng Pilipinas na may Wikang Filipino ito ang rason kung bakit kahit may iba’t-ibang dyalekto tuwing gagamitin natin ang ating wikang pambansa tayuong lahat ay magkakaisa at nagkakaintindihan. Kahit kalian hindi natin ito mawawaksi ang Wikang Filipino sa atin dahil kahit hindi nakikitang iba ang halaga nito, ito ang ginagamit natin at ito ay sariling atin. Kaya tayong mamamayang Pilipino dapat nating pahalagahan, tangkilikin at mahalin ang ating Wikang Filipino dahil ito ang ginagamit natin pangkomunikasyon, pang-transaksyon at ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon tayong lahat ay magkaugnay bilang iisang ipinagmamalaking Pilipino.
           Maraming tanong sa isipan ng isang tao, mga tanong na nakakaapekto sa bawat galaw, kilos, at desisiyon nito. Sa paaralan nalalaman natin ang kahalagahan ng mga bagay-bagay katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulagang malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintidahan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga nag wika ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at mayroon sila. Ang isang tao ay gumagamit ng Wikang Filipino ibig sabihin  isa siyang Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling Wika? Ito ay ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila ang sarili nilang Wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuno sa isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang sariling Wika. Nasa atin ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong bagay. Dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katotohanan. Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit kalian at saan kahit saan man tayo magpunta.
          Mahalaga talaga ang Wikang Filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling Wikang ipinagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at higit sa lahat ay wag nating ikakahiya ang ating Wikang Filipino. Ipakita natinsa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang magroon ng Wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang banyaga. Mahalin natin ang ating sariling wika sa  paraan ng pagbibigay halaga ng ating wika.
         





    

No comments:

Post a Comment