Tuesday, August 21, 2018

Wikang Pilipino ang susi sa Pag-unlad
              Ni: Jericho Gallardo

Ano ang kahalagahan ng wika para sa ating mga Filipino? Bakit mahalaga ang paggamit ng wikang Pilipino sa ating bansa? Ang paggamit ba ng wikang ito’y ay ikakaunlad ng ating bansa?
            Kahalagahan ng Wika  sa ating mga Filipino ay ang ating wika ang naging dahilan kung kaya tayo ay nag karoon ng sari-sarili nating pag kaka kilanlan, ang lahat ay may ibat-ibang lengwahe na ginagamit kung saan nag papakita na sila ay nabibilang sa isang grupo bilang isang filipino ang wikang ating ginagamit ay paran ginto na ating pinag kaka ingat ingatan dahil dito tayo nakilala ng mga tao.
              Isa sa dahilan ng pag unlad ng bansa ay ang pag tangkilik sa sariling wika dito nababase na ang mga mamamayan ay isang ganap na purong filipino kung siya ay gumagakit ng wikang pilipino na mag sisilbi na ikagaganda ng imahe ng bansa, mahalin natin ang wika na nagsilbing daan upang makilala ang ating bansa ng ibat-ibang mga lahi.
Ang wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura na ating kinabibilangan, dahil dito tayo ay nagkakaisa,nagkakaintindihan, at nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang bawat isa dahil sa paggamit ng wikang ito. Napakahalaga ng ating wika dahil ito ang pangunahing instrumento nating mga Pilipino na paipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan, opinyon at iba pa. Ang wikang Pilipino ang isa sa mga dapat nating hindi ikinakahiya sapagkat ito ay sariling atin na dapat ay ipinagmamalaki at kailanman hindi dapat maliitin ng bawat isa. Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa ating bansa ay kaya nitong pagbuklodin ang bawat isang Pilipino na magkaron ng magandang pag kakaunawaan at magkapwa tao ang bawat pilipino.
            Ang wika ay isang mahalagang aspeto na ayaw nating mawala lalo na ngayon nakakaranas tayo ng mga iba’t-ibang problema sa ating bansa. At kung walang wika walang kabuluhan ang lahat kaya dapat mahalin at pahalagahan ang wika. Mahalagang tangkilikin at mahalin natin ang sariling atin dahil ito lang ang ating maipagmamalaki sa mga dayuhan at ito rin ang pinakamahalagang instrumentong ipinamana satin ng ating mga ninuno.  Tayong mga Pilipino dapat natin pahalagahan, ingatan, at mahalin ang ating sariling wika dahil ito ang ating magiging susi sa pag-unlad ng ating bansa.

No comments:

Post a Comment