Wikang
Filipino ay dapat ipalaganap
Ni: Angelica Mae Buenavista
Ano nga ba ang wikang Filipino? Filipino ang wika ng mga pinoy,
ito ang ginagamit mg bawat isa upang mapalaganap ang kanilang kaalaman o kaya
naman ay magkaroon ng bagong kaalaman. Ito ay katutubong wika sa pasalita o
pasulat. Ngunit, bakit karamihan sa
henerasyon ngayon ay hindi marunong magsalita ng Wikang Filipino? Bakit mas madaming may alam sa wikang
ingles?
Marami sa atin ngayon ang mas pinagaaralan ang wikang ingles.
Masakit isipin na karamihan sa mga Pilipino ay hindi marunong ng wikang
filipino. Sobrang importante ng wika sa isang bansa dahil dito nagkakaroon ng
pagkakakilanlan ang isang bansa. Kaya’t dapat natin ipalaganap ang wikang Filipino
sa pamamagitan ng pagtuturo at pagpapaintindi sa bawat isa kung gaano kahalaga
ang wikang Filipino. Tandaan na dahil sa wika kung bakit nakikilala ang isang
tao, kung ano ang lahi nito. Ang
pagbabahagi ng kulturang Filipino sa mamamayan ng mundo ay magdadala ng
pagkabihasa ng mga banyaga sa katauhan ng Filipino. Sa pamamagitan ng
pagbabahagi ng kaalaman sa wikang Filipino maraming matuto o magkakaron ng
kaalaman sa pag gamit ng wikang ito. Maganda sa isang bansa na laganap ang
isang wika dahil dito nakikita ang pagmamahal sa bansa
Nararapat lang natin pahalagahan ang
wikang Filipino at kilalanin ang makulay nitong kasaysayan at alamin ang
kosepto nito at importansya sa lipunan dahil nakikita dito ang sarili nating
pagkakakilanlan.
No comments:
Post a Comment