Tuesday, August 21, 2018


PAGTANGKILIK SA WIKANG ISINALIKSIK
Isinagawa ni: Nicole A. Bonus

Bakit kaya mahalaga sa isang tao ang malaman ang iba’t-ibang wika? Dahil ba sa gusto lang nila? O sa kadahilanan na gusto nilang malaman ang iba’t-ibang estilo meron ang isang wika? Lalo na ang wikang Filipino, Tayo ay may kanya-kanyang wika, wika na sumisimbolo sa ating lahi. Ang ating wika ay Filipino , ako ay Filipino. Bilang isang Pilipino kagaya ko , mahalaga sa akin ang aming wika dahil simula ng ipinanganak ako at hanggang sa lumaki ako, namana ko na ito sa aking pamilya na minana naman nila sa aming ninuno. Ikaw? Ikaw ba ung tipo ng taong madalas magisip o magtanong sa mga bagay na hindi mo alam pero alam mong may kabuluhan ito? Ganoon din ang wika may isang salita na may iba’t-ibang kahulugan at mayroong malaking patutunguhan.
Ang wika ay nagagamit natin sa ating edukasyon, katulad na lamang ng pakikipag-usap at pakikipag-komunikasyon. Ang wika ay mahalaga dahil nagagamit natin ito sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Tunay ngang masaya at kapuri-puri maging isang Pilpino. Base sa aking pagtatanong ang bawat bagay daw na ating nakikita ay kung minsan may kahulugan, Dahil Alam niyo ba na ang watawat ng Pilipinas ay sumisimbolo sa pag-uugali ng mga Pilipino. Asul, sumisimbolong kapayapaan na ang mga Pilipino ay hindi marunong magtanim ng galit at kayang magbigay ng kapayapaan sa ating mundo o bansa. Pula, sumisimbolong katapangan na ang mga Pilipino ay matatapang at kaya nilang ipaglaban kung ano ang tama at dapat. Dilaw, sumisimbolong kalinisan, na ang mga Pilipino ay malilinis hindi lamang sakanilang sarili pati narin sa kanilang bansa. Yan ang isang halimbawa ng pagsaliksik sa ating wika na kung saan ang watawat ay ating itinatangkilik bilang pagkilala sa mga mamamayang Pilipino. Ang wika ay magagamit din natin sa ating kritikal na pag-iisip dahil sa pamamagitan ng wika maraming tanong ang pwedeng pumasok sa ating isipin na syang hudyat ng iba’t- ibang kaalaman.
Ang Filipino ay wika ng Saliksik, na kung saan ang wika ay ating naggamit sa araw-araw na pamumuhay at sa pamumuhay araw-araw, Isipin nalamang natin kung walang wika sa isang bansa,maaring wala tayong maging sandata sa ibang tao. Maaaring mahirapan tayo sa pakikipag komunikasyon at pakikipagtalastasan sa bawa’t isa. Ang wika ay nagsisilbing yaman ng ating bansa, tanging hindi ito maaagaw sa ating mga Pilipino. Isipin niyo ang naging bayani natin,ginamit nila ang wika sa pakikipaglaban sa ibang tao o bansa,Namatay silang gamit ang ating wika.Dahil sa pamamagitan ng wika ng karunungan nakaligtas tayo,ng ibang mga lahi o ng kalahi natin mismo.Magagamit natin ang wika upang mas umunlad ang ating bansa at para narin sa ng ating bansa.Simula nung dumating ang mga dayuhan sa ating bansan naapektuhan na ang ating wika.Ngunit may mga Pilipinong hindi nagpatinag at ipinaglaban ang ating wika sa iba’t-ibang bansa.Bilang isnag Pilipino,mahal ko ang akin wika,kaya kong ipagmalaki ang aking wika kahit sa nasa ibang bansa pa ako.Filipino,wika ng karunungan.


No comments:

Post a Comment