Tuesday, August 21, 2018


 “Wikang Filipino, Wika ng Mundo”
Ni: Ranz Laiza Benitez


Ano nga ba ang wika? Ano ang kahalagahan ng wika sa isang bansa? Ano ang kahalagahan nito sa isang Pilipino?
Wika. Apat na letra, isang salita. Maikling salita kung babasahin ngunit ang kahulugan ay sadyang napakalalim. Ang wika ay isang pagkakakilanlan bilang isang tao. Sa ating bansa, Filipino ang ating Pambansang Wika. Ito ang ating ginagamit sa ating pang araw – araw upang tayo ay makapag bahagi nang ating opinyon, saloobin at maging nang damdamin.
Wika ay sadyang napakahalaga sa ating buhay. Ito ang dahilan kung bakit tayo ay may pagkakakilanlan at kung bakit tayo ay nagkakaunawaan. Wika ang nagsisilbing pundasyon upang lahat tayo ay magkaisa at magkaunawaan, iba't iba man ang lahi, kultura, at relihiyon nagkakaisa tayong lahat sa pamagigitan nang paggamit ng ating sariling Wika ang Wikang Filipino. Pasalita man o Pasulat nakakapag bahagi tayo nang ating kanya kanyang opinyon. Sa paglipas nang panahon at sa patuloy na pag unlad ng ekonomiya iba't ibang teknolohiya ang naimbento na nakatutulong sa atin upang mas mapabilis ang pagkakaunawaan. Ngunit ganun nalang din kabilis ang paglimot natin sa tunay na kahalagahan nang sarili nating Wika. Mas ginugusto nating aralin at paunlarin ang wikang banyaga kaysa sa sariling wika. Hindi masama na makisabay sa kung ano ang uso, ngunit hindi ba ma mas maganda kung papaunlarin natin ang ating sariling Wika.
Sabi nga ng ating Pambansang Bayani “Ang hindi magmahal sa sariling wika ay mas masahol pa sa isang malansang isda” kung kaya't nararapat lamang na mahalin at pagyamanin ang sarili nating wika, ang Wikang Filipino. Dahil kung ito rin ang magsisilbi nating sandata sa tagumpay. Ang Wika ng Mundo ay ang Wika ng Filipino.

No comments:

Post a Comment