Wikang Filipino, Bigyan Importansya
Ni: Candy Francisco
Wikang Filipino, wika natin? Wika ng
lahat? Bakit nga ba mahalagang malaman natin ang sariling wika natin?
Nakatutulong bang malaman natin ang wika natin? Bakit nga ba mahalaga kailangan
bigyan ng importansya ang wikang Filipino?
Ang wikang Filipino ay wika nating
mga Filipino na ating binibigkas upang maghatid ng impormasyon o upang
makatanggap ng impormasyon. Ito ang isang daan upang makipag-ugnayan sa ating
kapwa, sa asosasyon, sa institusyon, atbp. Nakatutulong din ang wika sa
magandang unawaan, ugnayan at pagsasamahan, kaya naman mahalaga para sa ating
mga Filipino na malaman ang sariling wika natin. Dahil rin sa wika kaya ang
isang tao ay nakapagbibigay komunikasyon. Tayo ay nagkakaintindihan at
nakakapagtulungan kung alam natin ang sariling wika natin. Ito rin ang isang
sangkap upang mapalapit ang tao sa isa’t-isa at upang mapabilis ang pagsulong
ng kaunlaran. Sa makatuwid, talagang kailangan natin ang wika sa ating buhay. Kailangan natin bigyan importansya ang
wikang Filipino dahil ito ang wika natin. Lalo na sa panahon ngayon na mas
binibigyang pansin o importansya ang wikang ingles at iba pang mga wika imbes sa
sarili nating wika.
Karapat-dapat lamang na bigyan
importansya ang wikang Filipino na wika natin dahil dito tayo’y nakikilala.
Huwag nating hayaan na makalimutan ang sarili nating wika dahil lamang sa mga
wikang banyaga. Wika natin, mahalin natin.
No comments:
Post a Comment