Tuesday, August 21, 2018





Sariling Atin
Ni: Angelica Bulilan


 Ano nga ba kahalagahan ng wika para sa ating bayan at gaano nga ba ito kahalaga para muli itong tangkilikin ng mga kabataan sa panahon ngayon? Alam naman natin na sa panahon ngayon ay unti unti ng nakakalimutan ang kahalagahan nito at unti unti ng hindi tinatangkilik lalo na sa henerasyon ngayon. Sabi nga ni Dr. Jose Rizal "Kabataan ang pag-asa ng bayan" ngunit paano magiging pag-asa ang mga kabataan kung hindi nila pinapahalagahan ang sariling atin isa pang sinabi ni Dr. Jose Rizal na " Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda." Ano nga ba ang kahalagahan ng paggamit ng wika sa pananaliksik?
            Ang wika ang isa sa pinakamahalagang simbolo ng isang bayan o bansa dahil dito mo makilala ang isang bansa . Upang ito'y tangkilikin ng mga kabataan ay dapat na lagi itong gamitin at ipaalala sa mga kabataan ngayon at sa mga susunod na henerasyon. Matuto sana tayong mahalin ang sariling atin at pahalagahan ito. Ang paggamit ng wikang Filipino sa Pananaliksik ay napakahalagang bagay upang makatulong na hindi makalimutan ang sariling wika natin. Lagi nating tandaan na hindi batayan ng talino kung anong wika ang iyong ginamit sa pananaliksik naka batay ito kung paano mo ito ginamit at kung paano ito naintindihan.
 Wikang Filipino gamitin, sa pagpapalawak ng karunungan at kaunlaran ng bayang minamahal. Isa lamang ang aking ninanais upang tayo'y umunlad magtulungan at mahalin ang sariling atin sa pamamagitan nito mas magiging kilala ang ating bansa. Magsaliksik upang kaalaman nati'y madagdagan at matutong ipamahagi ang kaalaman sa ating mga kababayan. Huwag tayong magpabulag sa mga nauusong salita at wika maging sikat at masabi lang na nkakasabay sa panahon pero laging tatandaan na mayroon tayong sariling atin.

No comments:

Post a Comment