Monday, August 20, 2018

Wikang Filipino karunungan ng bawat Pilipino


Wikang Filipino karunungan ng bawat Pilipino
Mula kay: Claire P. Conquilla

          Bakit ba natin ginagamit ang Wikang Filipino? Bakit ba ito ang ugat ng karunungan nating mga Pilipino? Bakit nga ba? Wikang Filipino, ang pambansang wika ng Pilipinas, ginagamit natin ito para magkaroon ng maayos at mabisang komunikasyon. Mahalaga ang wikang ito, dahil ito ang pangunahing instrumento nating mga Pilipino upang maipahayag ang ating damdamin, saloobin, kaisipan, opinion at iba pa. Ang pagkatuto ng Wikang Filipino ay isang karunungan sa bawat Pilipino, dahil ito ay isa rin sa instrumento upang tayo ay magkaintindihan at maibahagi ang mga impormasyon tungo sa maunlad na pagkakaisa ng bawat Pilipino.

          Hindi lahat ng Pilipino ay may kakayahang gamitin ito sa mas malalim na paraan, pero maaari pa rin tayong makisalamuha sa ating kapwa Pilipino, dahil tayo ay nasa modernong panahon, marami ng teknolohiya na maaaring gamitin tulad ng mga telebisyon, radyo at social networking site na maaaring gamitin upang maging mas mabilis ang pag-nawa sa Wikang ito. Ang pagiging marunong sa Wikang Filipino ay hindi lamang para sa ating komunikasyon kundi para rin sa ekonomiya ng ating bansa. Alam nating lahat na maraming turista na galling sa ibang bansa  na pumupunta sa Pilipinas upang makita at masilayan nila kung gaano kaganda ang ating bansa. Marami tayong nakukuhang kaalaman sa kanila lalong-lalo na sa kanilang Wika. Sapagkat gayundin tayo, natuturuan din natin sila ng mga salita na isinalin sa Wikang Filipilino, dahil dito mas umuunlad at tumitibay pa ang ating komunikasyon at naibabahagi natin ang ating kaalaman na nagbigay naman sa kanila ng karunungan sa paggamit ng komunikasyon.

          Higit sa lahat, ginagamit natin ang Wikang Filipino upang maipakita sa iba na tayo ay totoong Pilipino at mayroong mabuting puso na kayang pagsigawan na tayo ay isang mamamayan ng bansang kinagisnan. Ito ang nagpapaalala sa bawat Pilipino na sa kabila ng emperyalismo ng ibang bansa sa panahon ng kanilang pananakop ay nanatili tayong tapat at totoo sa ating bansa hanggang sa nakamit natin ang ating kalayaan. Ito rin ang nagpapaalala sa bawat Pilipino na dapat respetuhin ang mga bayani ng ating bansa na nagbuwis ng kanilang buhay para sa kalayaan ng ating bansa. Wikang naging instrumento upang magkaroon ng magandang edukasyon at maayos na komunikasyon. Wikang sumisimbolo sa ating pagka-Pilipino. Wika ng ating bansa ito ang Wikang Filipino.

No comments:

Post a Comment