Wikang Filipino
Ni: Christine Joy
Pelagio
Ano ba ang wika ? Bakit ito pinapahalagahan at
pinagdiriwang sa buwan ng wika? Ilan lamang katanungan sa aking kaisipan kung
bakit ganon na lamang ang kahalaga ng wika sa ating bansa .
Ayon sa aking pagsasaliksik ang wika ay ay isang bahagi
ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw. Ginagamitan ito ng mga simbolo,
tunog, at mga kaugnay na bantas upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.
Wika ay isang komunikasyon ang nagbigay daan upang magkaunaawaan at pagkakaisa
ng mga tao. Ito rin ay isang dakilang regalo ng maykapal sa ating dahil sa laki
ng nagagawa ng wika sa ating buhay ito ang nag sisilbing paraan upang maiparating
ang ating mga saloobin . Maraming paraan para maibahagi ang mensahe ng mabilis
dahil sa mga makabagong teknolohiya
katulad ng telebisyon, internet, radyo, at iba pa. Dahil dito maraming ang
nakakarinig at nakakakita ng mga mesahe
nais na iparating sa mamamayan . Tangkilikin
ang mga gawang filipino literatura at sining para hindi makalimutan ng mga
bagong henerasyon ang ganda ng ating kultura noon hanggang ngayon.
Ipinagdiriwang natin ang buwan ng wika dahil sa araw na
ito ay nag karoon tayo ng sariling pagkakakilanlan at kalayaan sa mga dayuhan
na sumakop sa ating bansa . Ito ay araw ng pag gunita ng iba't ibang kultura at
tradisyon ng ating bansa na minsan na lamang maalala at pag gunita ng mga
bayaning nag buwis ng buhay para lang makuha ang kalayaan ng ating bansa.
Wika pambansa ay siyang susi sa pagkakaisa ng damdamin
at diwa ng mga mamamayan na dapat natin ipagmalaki bilang isang pilipino. Kaya
naman atin pahalagahan dahil ito ay parte na ng ating nakaraan at kasalukuyan .
No comments:
Post a Comment