EPEKTO NG PAGGAMIT NG GADGETS
Ni: Ma. Angelica May Bon
Ang sanaysay na ito ay magbabahagi sa inyo ng ilan sa mahahalagang
impormasyon tungkol sa mga possibling epekto na makukuha natin sa paggamit ng
gadget. Mahalagang malaman ang mga epekto nito upang maiwasan or maging handa
sa mga possibling makuha natin dito or epekto nito saatin. Ito rin ay isang
paalala saatin o isang paraan kung saan
para malayo tayo sa panganib or maaring maidulot nito saatin. Basahing Mabuti
ang sanaysay na ito upang makapulot ng kaunting kaalaman sa mga possibleng
epekto na makuha natin sa paggamit ng gadgets.
Mahalaga na malaman natin na ang paggamit na madalas ng gadgets ay
hindi nakakabuti satin. Ito ay nakakaapekto sa ating kalusugan sa pagkat sa
paggamit natin ng gadgets ay kadalasan nakakalimutan na natin kumain,
nalilipasan tayo ng gutom sa sobrang kabisihan sa paggamit nito. Sa pag gamit
nito ay pwede rin Ito magsanhi ng paglabo ng mata at nagdudulot rin ito ng
malubhang karamdaman kagaya ng stroke, high blood, o heart attack at iba pa. Sa
kadalasang paggamit ng gadgets ay kadalalasan rin ay nawawalan na tayo ng oras
sa pamilya hindi na nakakausap ang isat isa. At mas higit na Malaki ang epekto
na makuha ng mga bata kesa sa matatanda sa pagkat alam naman natin na mas
madalas gumagamit ang mga bata kesa sa matatanda dahil sa mga online games
dito.
Layunin nitong ipaalam sa inyo ang mga possibling epekto na makuha
natin dito ng sa ganun ay maiwasan or makaiwas tayo sa mga possibling sakit na
makuha natin dito. Ito ay nagpapaala sa
inyo na ang kadalasang paggamit ng gadgets ay maraming epekto na pwede natin
makuha hindi man ngayon baka bukas or makalawa. Ang paggamit ng gadgets ay wala
sa edad dahil kahit sinu na gumagamit nito matanda man or bata ay tiyak na pwedeng
mag dulot or dapuan ng mga sakit na makukuha sapag gamit ng kahit anung uri ng
gadgets. Hindi kinakailangan gumamit araw araw ng gadgets, dapat ay marunong
din tayong eh limit ang paggamit nito dahil para ito sa ating kalusugan at
higit sa lahat para rin ito saating sarili.
x
No comments:
Post a Comment