Dayuhan sa sariling wika
Mula kay:
Camille Tormis
"Hi"
"Hello" "Goodmorning" "thank you" mga katagang
madalas ginagamit ng nakararami. Kultura ng iba ang napayayabong. Mula sa
pananamit, sa gawa, sa pagkain at maging sa salita ay iba. Bakit ano ba kayo?
Ano ba ang ating wika? Nasaan ba tayo? Hindi ba't tayo'y mga filipino? Nasa
Pilipinas na may wikang filipino. Ano nang nangyayari sa ating wika. Paano
natin ito matututunan pahalagahan, gamitin at mahalin? Mahal mo ba ang ating
wika? Atin itong itaguyod, halina't ibabahagi ko sa'yo kung ano nga ba ang
"Filipino: Wika ng Saliksik".
Ang pananaliksik na ito gamit ang ating wikang
filipino ay malaking tulong upang
mapukaw ang natutulog na isipan ng karamihan upang malaman ang sagot sa
isang suliranin, Suliranin na unti unting pagkalimot ng wikang filipino. Tila
ba'y nagiging dayuhan tayo sa sariling atin dahil sa wikang banyaga na mas
nakikilala pa at tinatangkilik ng mga tao. Filipino ako, Filipino ka, Filipino
tayo, ang wika natin ay Filipino. Ginagamit sa pang araw araw na pakikisalamuha,
sa pakikipagtalastasan at sa paggawa ng saliksik. Wikang tungo sa kaunlaran at paglaganap ng
karunungan. Wikang filipino ay gamitin dahil ito ang daan tungo sa pagkilala sa
ating kinagisnan, kultura, bansa. Sa pamamagitan nito ay di na kailanman
magging bulag ang ating kapwa filipino.
Mahalin
natin ang wikang filipino nang sa gayon ay hindi tayo maging dayuhan sa
sariling atin. Wika kung saan tayo umusbong, at kung paano nito napadali ang
pagkakaroon ng komunikasyon sa ating kapwa filipino. Gamitin ito hindi dahil
napipilitan tayo, gamitin ito dahil mahal natin ang sariling atin, ipagmalaki
natin na mayroon tayong sariling wika. Wikang Filipino ang tawag dito. Sana'y
naipakilala ko at inyong mapahalagahan ang aking sanaysay na may temang "Filipino:
Wika ng Saliksik". Huwag maging dayuhan sa sariling wika.
No comments:
Post a Comment