Filipino sa Makabagong Henerasyon
Mula kay:
Jan-Vincent Chua
Kay bilis
nagbabago ang panahoin ngayon kasabay nito ay ang mga makabagong pamamaraan at
kagamitan na ginagamit sa larangan ng komunikasyon. Bakit di natin saliksikin
ang mga pagbabago sa wikang Filipino ng kasalukuyan henerasyon. Ano-ano na ba
ang nagbago dito? Paano ito nakakaapekto sa pang araw-araw natin pamumuhay? At
Paano nito hinuhubog ang kaisipan ng mga susunod na pag-asa ng bayan?
Ang pagbabago sa wikang Filipino ay may
malaking epekto na maaring mabuti o masama sa ating sariling wika. Mabuti dahil
mas napapabilis nito ang komunikasyon at pagsasalin nang impormasyon sa ating
wika. Isang halimbawa nang mabuting pagbabago ay ang pag-iksi nang mga salita
tulad nang KKB na ibig sabihin ay kanya kanyang
bayad, maiksi lang pero may kahulugan. Mabuting pagbabago rin ang paglikha nang
bagong salita na akma sa ating panahon tulad keyk (cake), selfie (litrato),
viral (bagong sikat na balita),keri (kaya yan) at marami pang iba.
Para naman sa
masamang epekto nang pagbabago ng wika ay ang paghina na ating memorya sa
spelling. Pagkalimot o hindi na maintindihan ang mga salita na tinuturo noon,
halimbawa na lang ng salitang katipan(syota), kubyertos (kutsara o
tinidor),katoto (kaibigan), batalan (lababo) at iba pa, na hindi na alamng
maraming Pilipino ang ibig sabihin.
Sa panahong ito
na marami nang makabagong teknolohiya para sa komunikasyon at paghanap nang
impormasyon. Kailangan din nang wikang Filipino na makipagsabayan sa ibang
Lenguahe na pumapasok sa ating bansa. Nakakatulong ang pagbabagong ito para
makasabay ang bagong henerasyon na maging “Globally Competitive” sa larangan
nang komunikasyon at pagkalap ng
impormasyon.Ngunit kaakibat ng mga pagbabagong ito, dapat din natin
isipin ang preserbasyon at paglilinang ng wikang Filipino sa makabagong
panahon.
No comments:
Post a Comment