Wikang
kinalakihan
Ni: Joshua
Joaquin
Ang
pagsilang sa bansang Pilipinas ay isang malaking biyaya galing sa panginoon,
ngunit sa ating paglaki maraming pagsubok na nagdaan sa ating paligid , tayo’y
naimpluwensiyahan ng mga banyagang
salita lalo na’t sa iskwelahan na kinakailangan ng lengguwaheng banyaga. Ngunit
subalit datapwat sa iskwelahan din natin malalaman kung gaano kahalaga ang
ating sariling wika at paano pahahalagahan ito, ang pagpapahalaga ba natin sa
ating sariling wika ay nananatili padin bang matatag? Ang wikang Flilipino ay
isang instrumento sa pakikipagkomunikasyon.
Maraming magkakaibang dayalekto sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas, isa
o dalawang dyalekto para sa bawat pangkat ng Pilipino sa iba’t-ibang sulok ng
bansa. Ang dayalekto ng mga tao sa Pilipinas
ay batay sa lugar, panahon at katayuan sa buhay. Kahit na may isang pambansang
wika ang Pilipinas, iba-iba parin ang ginagamit ng mga mamamayan dito. Ilan sa
mga dayalekto ay ang Ilokano, Kapampangan, Bisaya at marami pang iba. Ang ibang
dayalekto din naman ay may iba’tibang klaseng dayalekto(subdialect)pa tulad ng
. Halos lahat naman ay marunong magsalita ng wikang Filipino pero may mga
Pilipino paring hindi gaanong marunong magsalita ng Filipino, ang iba nga’y ni
hindi man lang marunong magsalita ng pambansang wika. Ang alam lang ng iba ay
ang kanilang dayalektong kinalakihan.
Ang Wikang
Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino kung sino, ano, at meron
sila. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang
Pilipino pero bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang kanilang sariling
wika? Ito ba ang kanilang sinasabing mahalaga at mahal raw nila kanilang
sariling wika ngunit kahit gamitin man lamang ito ay di magawa dahil sa mga
masasamang ideya,at kuro-kuro na namuo sa isipan ng ibang tao o mga banyaga
tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya nila ang kanilang sariling wika. Nasa
atin na ang desisyon kung magpapaniwala at magpapaapekto tayo sa mga ganitong
bagay dahil tayo lamang mga Pilipino ang nakakaalam kung ano ang katutuhanan.
Kung mahalaga talaga ang ating Wikang Pambansa gagamitin natin ito kahit kailan
at saan man tayo magpunta.
Sabi pa
nga ating bayani na si Dr. Jose Rizal ”
Ang hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda.”
Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling wika at mahalin
ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa. Mahalaga talaga ang wikang
filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na mayroon tayong sariling
wikang maipagmamalaki. Kailangan protektahan, ipagtanggol ito, mahalin, at
higit sa lahat ay huwag nating ikakahiya ang ating wikang Filipino. Ipakita
natin sa ating mahal na mga bayaning nagbuhos ng kanilang panahon para lamang
magkaroon tayo ng wikang pansarili, para maibuklod ang ating bansa at hindi ito
mapasama sa mga bansang walang sariling wika at nakikigamit lang ng wikang
banyaga.
No comments:
Post a Comment