Pananaliksik tungo sa ating
kaalaman sa Wikang Filipino
Panulat
ni: Henessy Payumo
Maraming katanungan sa ating mga
sarili kung bakit iba't iba ang ginagamit nating wika. Bakit kaya mas maraming
natututunan ang salitang ingles kaysa filipino? Ano ang pinagka-iba ng wikang
filipino sa salitang ingles? Bakit napapadalas na mas natutunan ang ingles
kaysa sa wikang filipino? Napapadalas ang paggamit ng banyagang wikang ingles
sa mga asignatura at dahil nga sa madalas na nagagamit ang wikang ito, mahinang
pag-intindi naman sa sariling wika ang kapalit. Dahil sa ating mga inaaral mas
nakasanayan natin na gamitin ang wikang ingles kaysa filipino kahit sa mga mga
simpleng pang araw na pakikisalamuha sa buhay. Saatin pumapangalawa ang wikang
filipino sa wikang ingles. Dahil dito matutukoy kinakailangan ng isang wika sa
pagtuturo ng mga asignatura upang malaman kung mas epektibo ang paggamit ng
sariling wika sa pagtuturo. Dahil sa pananaliksik na ito makakatulong at
mauunawaan na hindi lamang estudyante kundi sa pangkalahatan ang kahalagahan ng
kanilang sariling sika. Sa pananaliksik mapaparating natin na may epekto at
mabuting naidudulot ng paggamit ng sariling wika sa pag-aaral.
Sa ating lahat makakatulong na
lubos nilang dapat maintindihan na hindi ang paggamit ng wikang ingles ang
solusyon sa mabuting pag-aaral. Para saakin maaaring dapat pantay, kung alam
natin ang paggamit ng wikang ingles dapat mas alam natin ang paggamit ng wikang
filipino. Dahil ito ang pinaka mahalaga at importante saatin. Ito ang dapat
hindi natin kalimutan. Ang pagsasalita ng ingles ay hindi natin minamasama.
Dahil kailngan din natin itong gamitin sa pakikipag komunikasyon. Ngunit hindi
kinakailangan na lagi itong gamitin. Dahil ang pambansang wika natin at ang
Filipino.
At sa paggamit dito mas
maiintindihan,mauunawaan at mapapabilis na matututunan ang paggamit ng ating
wika. Kung ang wikang ingles mauunawaan din natin ito hindi lang sa pagtuturo
ng mga guro kung hinde sa pagtuturo din sa ating sarili. Dahil ayon naman sa
nakuha kong impormasyon ang suliranin ng mag-aaral sa ating bayan ay kung paano
isasalin ang kaalaman mula sa paaralan patungo sa masa. Dahil ang wikang ingles
at hindi siyang lunas. Sanayin natin magsalita ng wikang filipino kahit sa
simpleng pang araw araw na pakikisalamuha sa buhay. Intindihin nating mabuting
at sariling wika bago intindihin ang iba. Bigyan importansya at kahalagahan ang
sariling wika. Huwag nating balewalahin ang wikang filipino dahil ito ang
sarili nating wika.
No comments:
Post a Comment