Tuesday, August 21, 2018


WIKA NG LAHAT
Ni : May Flor Donayre

Para sainyo,  Ano nga ba ang FILIPINO : WIKA NG PANANALIKSIK?
 Ano nga ba ang WIKA?
Ano nga ba ang kahalagahan nito sa atin sa bawat pagkatao natin naiisip niyo rin ba kung gaano ito ka importante sa ating pang araw-araw na buhay?  Naiisip niyo rin ba paano natin pahalagahan ang wika?  Bakit natin kailangan pahalagahan ang wika?  Alam niyo ba sa sarili niyo kung ano ang WIKA oh ika'y nakikisabay lamang sa kung ano ang nakikita o naririnig?  Satingin niyo ano kaya ang mangyayari kung wala tayong wika, mailalarawan o maipapabatid pa kaya natin ang gusto nating iparating kung wala tayong wika maipapakita paba natin ang ating emosyon o ating galit kung wala tayong wika? 
Ang wika ang ating maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa pakikipag komunikasyon kung wala tayong wika paniguradong hindi tayo magkakaintindihan sa kung ano ang gusto nating ipabatid sa ating kapwa, sa kahit anong paraan maging simbolo, pasalita o pasulat man malaking tulong ito para sa ating pang araw-araw at higit sa lahat ginagamit natin ito para sa pagharap ng mga hamon sa buhay dahil kung wala tayo nito paniguradong malaking problema ang iyong kakaharapin . Alam naman natin na ang pilipinas ay binubuo ng maraming pulo at ito'y may iba't ibang diyalekto,  sa pamamagitan ng WIKANG FILIPINO tayo ay nagkakaunawaan sa iisang wika naipapabatid natin ang gusto nating iparating kahit tayo ay may iba't ibang diyalekto o kultura at kanyang paniniwala sa bawat sulok ng ating pilipinas basta alam natin ang Wikang Filipino.  Sa ating panahon ngayon nagbabago man ang estilo ng mundo kung saan lahat ng bagay ay pinapadali, dapat isaisip din natin kung ano ang kakahinatnan nito at dapat parin nating isaisip ang kahalagahan ng Wika dahil sa nakikita ko ngayon iba sa atin ay binabago na kung paano siya makikitungo sa kapwa halimbawa nalang sa tinatawag nilang JEJEMON na nga salita kung saan binabaliktad o pinapaikli ang isang salita,  nakakalungkot man isipin marami sa atin lalo na sa mga kabataan ngayon ang siya pang lumalapastangan sa ating Wika. Wag sana natin kalimutan ang katagang sinabi ng ating pambansang bayani na " ANG HINDI MAGMAHAL SA SARILING WIKA AY HIGIT PA SA HAYOP AT SA MALANSANG ISDA " . Sana sa mas lalong pag-unlad ng ating mundo mas pahalagahan natin ang ating sariling Wika bago mahuli ang lahat at tayo'y may pagsisihan sa huli sana wag tayo umabot sa ganong pangyayari pagyamanin at pahalagahan natin ang ating Wika, walang sino man ang pwedeng magpahalaga nito kundi tayo lamang, wag sana nating kalimutan na ang Wika ang midyum ng pakikipagpalitan ng impormasyon at ideya at ito rin ang paraan upang tayo ay magkaintindihan sa kung ano ang nais nating ipabatid sa ating kausap o kadiskusyon . KAYA WAG LAMPASTANGANIN  BIGYANG WALANG HALAGA ANG ATING WIKA DATAPWA'T PAHALAGAHAN NATIN ITO AT BIGYAN NG IMPORTANSYA AT PANSIN.

No comments:

Post a Comment