"WIKA TUNGO SA PAG ASENSO"
Panulat ni:
Jameelah A. Villanueva
Isa ka rin ba sa nga taong nagtatanong,may
pakialam, at my sariling paninindigan sa wika. o isa ka sa mga taong walang
pakialam sa wika na basta makapagpahayag ay ayos na , makapagpadala ng
impormasyon pwede na , makipag ugnayan sa kapwa tao ay okay na. o baka naman
isa ka sa mga taong mas tinatangkilik ang ibang wika kaysa sarili wika. Simulan
natin, Wika! , Wika ang nagbubuklod sa
atin. Wika rin ang siyang nagiging
pagkakakilanlan natin, wika din ang tanging dahilan kung bakit patuloy tayong
umuunlad. Hanggang kailan nga ba natin ito magagamit? sa makabagong panahon maaari
bang magbago ang wikang kinagisnan natin? Sino ang mananagot sa kung ang wika
natin ay unti-unting matatabunan o mapapalitan ng ibang wika? Ano nga ba ang
magagawa ng wikang saliksik sa ating bansa? . Isa-Isahin natin.may iba't-ibang
barayti ang wika.Ngunit bigyan nating toon ang wikang Saliksik.
Wikang
saliksik ito ay nagpapahayag na ang wikang sariling atin ang FILIPINO ay mainam
na instrumento sa mahusay na pananaliksik o "Research" . Ang
pananaliksik ay ang pagtuklas at pagbuo ng mga kaalamang magagamit sa
pagpapabuti ng ating kalagayan na ang mithiin ay umunlad sa larangan ng
ekonomiya , edukasyon , pamamahala at kalagayang panlipunan. Kung patuloy
nating gagamitin ang wikang atin sa pananaliksik hanggang kasalukuyan ito ay
maaring mananatiling buhay sa bawat indibidwal mas maraming bagay na
matutuklasan . Magagamit natin ito hanggang sa may mga kabataang patuloy na mas
tatangkilikin ang wikang atin sa pananaliksik . Ngunit sa kabilang dako dahil
sa mga makabagong teknolohiya , bagong panahon , unti-unting nagbabago ang
lahat mga pilipinong mas tangkilik ang salita ng mga taga korea , mga
pilipinong mas magaling sa wikang Ingles kaysa sa pilipino . Sa madaling salita
tayong mga pilipinong din ang siyang my papanagutan sa unti-unting pagbabago ng
wikang sariling atin.
Kung
patuloy nating gagamitin ang wikang atin (Filipino) sa pananaliksik , maaring
ito ay mas magiging epektibo para sa ibang mga taong nangangailangan din ng
kasagutan sa pananaliksik. Dahil din sa pananaliksik dahilan kung bakit tayo ay
patuloy na umuunlad hindi lang sa sarili kundi sa buong bansa. dahil sa
pananaliksik ito ay mas naging mabisang paraan upang makapagbigay ng ideya ,
kaalaman sa lahat ng idibdiwal. Hindi lingid sa kaalaman ang dagliang pagbabago
ng napakaraming bagay sa mundo , Kaya napakalaking hamon ang pagsagawa ng pananaliksik at ito ay
isinusulong upang magkaroon ng matibay na wikang FILIPINO.Para sa mga
nakararami mas mainam nating palaganapin ang wikang filipino . Upang ito ay
manitili sa ating lipunan, pamahayanan, komunidad. Dahil ito ang tanging daan
upang mas patuloy tayo umunla .Marami mang magbago dahil sa mga pananaliksik ngunit
huwag nating kalimutan ang tunay na atin ang WIKANG FILIPINO.
Sana ay alam po natin ang pagkakaiba ng "kong" at "kung".
ReplyDelete