Tuesday, August 21, 2018


WIKA'Y PAG YAMANIN AT RESPETUHIN
Ni: Joana Saludario

Wika ? Ano nga ba ang WIKA para sa nakararami at lalo na sa ating mga kabataan na ngayun pa lang nahuhubog sa mga bagay bagay. Sa tingin nyo bakit ba mahalaga ang WIKA ? Bakit ganun na lang kung ipag laban ng mga karatig lugar o bansa natin ang mga ibat ibang lenggawahe o wika nila ? Kaya nga diba meron hindi pag kakaintindihan sa dami ng wika o lenggawe sa ating bansa, Paano nga ba ito masosolusyonan ? Ang WIKANG FILIPINO ba ay makapangyarihan kesa WIKANG INGLES ? Sino ba maka ka pag sabi sa dalawang Wika kung sino mas maka pang yarihan ? Paano ba malalaman ito at sa pamamagitan ng anong paraan ?

Wika ? Oo maraming wika o lengguwahe sa ibat ibang lugar o bansa. Kaya nga naman ang wika ay pangunahing ginagamit natin upang maka pag usap o mas mapadali, maipaalam kung ano ang nasa ating isip o nararamdaman. wika ? oo ang wika ay sadyang napakahalaga sa ating lahat , kung walang wika paano mo maipapahayag ang iyong mga sa loobin o naiisip ? Sa pamamagitan ng pag iyak o pag tawa lang ba ? O ibat ibang expresyon lng ng mukha  alam natin na hindi yun sapat kung kayat sobrang Halaga ng wika sa atin kaya kung kayat ano man ang wika mo wika nila dapat natin respetuhin at bigyan pag galang upang sa ganun makita nila na may pag galang ka din sa wika o lenggwahe nila. Nang hindi na muli mag away away. Kung ano ang WIKA natin dapat natin ito pag yamanin o respetuhin Sabi nga ng pang Bansang Bayani natin na si Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda o mas kilala sa tawag na Dr. Jose Rizal "Ang hindi magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda." Kaya mapa wikang filipino man yan o wikang ingles ang iyong ginagamit na lengggwahe dapat mong respetuhin yan walang mas makapangyarihan sa dalawa nasa iyo na yan kung paano mona lang sya pag yayamanin.


No comments:

Post a Comment