Ni: Khimverle Cunanan
Ano nga ba ang wika
para sa atin? Ito ba ay mahalaga na dapat binibigyang pasin upang mas lumawak
ang ating kaalamanan? Bakit dapat ito'y bigyang pansin ng iba? Nakakatulong ba
ito upang gumanda ang ating pag komunikasyon sa ibang kultura?
Wika ang nagsisilbing
daluyan at armas upang magkaintindihan ang mga mamayang pilipino. Dapat
isaalang-alang ng bawa't isa na ang kahalagahan ng wika ay isang kakayahan na
dapat pagyamanin pa dito sa pilipinas. Mapapansin natin na ang karamihan ay mas
pinapahalagahan ang ibang lenggawahe ng ibang bansa dahilan nito ay pag
onti-onti ng ating kaalaman sa paggamit nito sa tamang paraan. Ang kakayanan
nating makipag usap sa ibang bansa na ibang lenggawahe ay isang kakayahan
ngunit hindi dapat tayo matuwa dahil mas binibigyan natin ng pansin at
kakayahan ang ibang bansa. Sariling atin dapat nating mahalin upang maipakita
sa lahat na bilang isang filipino ay may malasakit sa paggamit ng sariling wika
ng filipino. Wika ang dahilan ng pagbulod ng isang mamayang filipino, dito sa
pilipinas tayo ang ang may kakayahang gumamit ng ibat ibang lenggawahe. Maganda
ito dahil ang kakayanan ng isang tao na makipag usap sa ibang lenggawahe ang
dahilan upang mas yumaman pa ito dahil hindi iti na bibili bagkis pinapamahagi
ang mga ito upang mas mapayaman pa natin ito.
Ikaw bilang filipino na
nakatira sa pilipinas bakit hindi mo unang gawin sa sarili mo na gumawa ng
paraan upang mapayaman ang iyong kakayahan sa paggamit ng wika. Karamihan sa
atin kung ano ang nakasanayan doon lang, hindi na gumagawa ng hakbang. Sa
pabago-bago ng taon maraming nagsusulputan mga ibat ibang lenggawahe kagaya ng:
jejemon, salita ng mga bakla at pag babaliktad ng mga letra at iba pa . Ito ang
dahilan kung bakit hindi yumayaman ang ating kaalamanan pagdating sa wikang
filipino. Upang mapayaman ang ating wika ang pagsasaliksik ang isang bagay
upang mas mapalawak ang kakayahan at mapayaman. Sabi nga nila, kung mas
maraming ideya ang malilikom mas mapapalawak pa natin ang kaalaman tungkol sa
mga bagay bagay na gusto nating malaman.
No comments:
Post a Comment