“Wika ng Karunungan Tungo
sa Kaunlaran”
Ni: Rose Mabel Gustilo
Sa
panahon natin ngayon, maraming
wikang banyaga ang nagkalat sa ating
bansa. Wikang halos gamitin na nang karamihan at tuluyan ng nakalimutan ang
wikang pinagmulan. Maraming nagsasabi na wika ang syang dahilan upang magkaroon
ng pagkakakilanlan ang isang bansa. Ang iilan nama'y sinasabing ang wika ang
paraan upang magkaintindihan ang bawat isa. Wika rin ang ginagamit bilang
batayan ng karunungan at katalinuhan ng bawat mamamayan. Ngunit Ano nga ba
talaga ang kahulugan ng wika? Importante nga ba ito sa araw-araw na pamumuhay
ng bawat Pilipino? Ang wikang Filipino nga ba ang daan sa pagkalap ng kaalaman
na tutulong sa'tin sa upang maabot ang tunay na kaunlaran?
Wikang Filipino, wika ng pagbabago.
Ang wikang Filipino ay hindi lamang natatapos sa pagbibigay ng iba't ibang
kahulugan nito. Sa patuloy na pagbabagong nagaganap sa ating bansa, nababago na
rin ang ating pananaw sa kung paano dapat gamitin ng ang Wikang sariling atin.
Ang wikang Filipino ang kumakatawan sa ating
pagkatao. Dito naisasabuhay ang kultura, pananaw, paniniwala at pagkakakilanlan
ng isang bansa. Sa bawat araw na lumilipas ay kinakailangan nating gamitin ang
wikang pinagmulan natin. Ang wikang nagmula pa sa ating mga ninuno. Sa
pamamagitan ng paggamit ng ating wika sa araw-araw nating pakikisalamuha sa
ating mga kakilala ay sumisimbolo sa pagbibigay respeto at pagkilala sa mga
taong nagpasimula sa paggamit ng wikang ito. Mayroong iilan na nakakalimot sa
paggamit ng ating wika. Ang ilan pa sa kanila'y nagsasabi na ang kung ang isang
tao ay nakakapagsalita ng ingles, siya ay maituturing na isang matalino. At
kung Filipino lamang ang wikang iyong isinasalita, ikaw ay maihahanay sa grupo
ng mga mangmang. Isa sa mga baluktot na pananaw ng mga tao patungkol sa wika.
Hindi basehan ang wika sa pagiging intelehente ng isang indibidwal. Mas
matuturingan pang intelehente ang taong hindi nakakalimot sa wikang kanyang
pinagmulan kaysa sa taong ginamit ang ibang wika masabi lang na sila'y
matalino, nakakaangat at may
kapangyarihan sa buhay.
Magkaroon man ng malawakang pagbabago
sa kasalukuyang panahon na ating ginagalawan, mananatili pa rin buhay ang wika
na ating pinagmulan. Ang paggamit ng wika ay hindi sapilitan ngunit ito na ay
nakaukit na sa ating damdamin at isipan. Masasabing maunlad ang isang bansa
kung ang bawat mamayan ay nagkakaisa. Upang magkaroon ng pagkakaisa ay
kinakailangan ng isang wika na siyang magbubuklod sa bawat indibidwal. Sa
papamigitan nito makakamit ng bawat isa ang karunungan tungo sa kaunlaran.
Mapa- mayaman o mahirap, wikang Filipino pa rin ang dapat na gamitin. Sapagkat
magbago man ang lahat, wikang Filipino pa rin ang nararapat.
No comments:
Post a Comment