Tuesday, August 21, 2018


Wika ng karunungan
Mula kay: Camille S. Venus

 Ano nga ba ang wikang saliksik at ano ang kahalagahan nito? Ikaw, binibigyan mo bang halaga ang iyong sariling wika? Bakit dapat natin na maunawaan ang wika? Saliksik, pagsasaliksik at pananaliksik, may pagkakaiba nga ba ang mga ito? Ang pananaliksik ay isang paraan upang mabigyan natin ng halaga at mahalin pa ang wikang pilipino. Ang wika ay napakahalaga sa isang bansa dahil ito ang sumasalamin sa isang bansa at mga mamamayan nito.
Ang wikang saliksik ay nangangahulugan ng paghahanap ng teorya at pananaw upang malutas ang isang suliranin. Ang saliksik ay paghahanap o pag-aaral sa isang bagay. Ang pagsasaliksik ay ang puspusang paghahanap o pag-aaral sa isang bagay na nakatago at ang pananaliksik ay pagsusuri  sa isang paksa. Ang pananaliksik ay maituturing na isang mahalagang disiplina sa pag-aaral ng wika sa loob ng isang lipunan. Dapat itong mapagtuunan ng pansin upang malaman ang kalagayan at para sa ika-uunlad nito.
Napakaraming pakinabang ng ating wika sa pagkalap ng impormasyon. Mahalagang gamitin natin ang sariling wika sa pananaliksik dahil mas madali itong mauunawaan. Higit sa lahat, bilang isang estudyante ay marami tayong maaaring magawa upang malinang pa ang ating sariling wika.

No comments:

Post a Comment