“Alam Mo, Wika Mo”
Ni:
Marc Balagtas
“Filipino: Wika ng Saliksik” ito ang tema na binigay ng
Kagawaran ng Edukasyon kasama ang Komisyon ng Wikang Filipino para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong taon. Ang ibig sabihin nito ay dapat
gamitin natin ang wikang sariling atin sa paggawa ng saliksik, layunin nito na
mapalawak pa ang paggamit ng wikang Filipino sa ibang asignatura tulad ng agham
at matematika. Ang pananaliksik ay paraan para mas lalong maintindihan o
mapag-aralan ang isang pangyayari o bagay. Hindi natin maitatanggi na malaki
ang impluwensya ng mga amerikano sa ating pamumuhay, may mga bagay at
pangyayari na kailangan natin gamitin ang wikang ingles lalo na kapag hindi
natin alam ito sa wika natin.
Ang paggamit ng sariling wika bilang midyum sa paggawa ng saliksik ay higit
na mas madali kesa paggamit ng wikang ingles. Mas maiintindihan mo ito at ng
mga mambabasa. Mabilis na mapapalaganap ang mensahe dahil naiintindihan ito ng
karamihan. Ito rin ay susubok sa ating bokubularyo sa wikang Filipino, aminin natin
sa panahon ngayon ay hindi na naabibigyan ng pansin ang wika natin dahil halos
ingles ang wika na ginagamit natin sa ating pag-aaral. Ito ay magsisilbing
hakbang sa pag-unlad natin bilang isang bansang nagpapahalaga ng sariling wika.
Ang agham at matematika ay mahirap ituro at maintindihan kung isasalin ito sa
wikang Filipino kaya ito ay tinuturo gamit ang wikang ingles, ang pananaliksik
ay hindi kailangan ng malalalim na salita para magawa kaya hinihingkayat nila
tayo na gamitin ang wika natin sa paggawa nito.
Ang pagtangkilik ng hindi atin ay
makakabuti rin sa atin ngunit ang pagtangkilik ng hindi atin at kalimutan ang
sariling atin ay maling-mali. Hindi ibang bansa ang tatangkilik sa ating wika
kundi tayong mga Pilipino ang dapat manguna para mapatatag at mapalakas ang
wika natin. Kailangan natin lumingon sa ating pinanggalingan dahil tayo-tayo
rin ang magtutulungan pag-dating sa dulo. Pilipino tayo at dapat alam mo ang
wika mo.
No comments:
Post a Comment