WIKANG PAGBABAGO
Ni: Quenny Tingson
Kung
wala ang wika, paano kaya magkakaintindihan ang mamamayan, paano kaya
mapabibilis ang pagsulong ng kaunlaran at paano kaya mapalalapit ang tao sa
isa’t isa? Sa bawat isang tanong at marami pang kasunod na katanungan, hindi
sapat ang senyas, drowing, ang kulay, ang krokis, ang ingay o anumang paraang
maaaring likhain ng tao upang matugunan ang lahat ng mga katanungan. Sa lahat
ng ito, kailangan ng tao ang wika.
Ano
ba ang napapansin mo sa ating sariling wika? marami na bang mga nagbago? ano ba
ng naidudulot sayo ng ating wikang Filipino? Ang pagbabago ay kailanman hindi
natin maiiwasan bagkus gamitin itong tama na magdudulot ng positibong resulta.
Ang
pagbabago ay hindi masamang bagay marahil minsan ito ay nagdudulot ng masamang
resulta pero kadalasan naman ay maganda ang kinalalabasan.Kagaya ng ating
sariling wika and wikang Filipino ito ay sinasabing wikang mapagbago na kung
saan maraming mga magagandang naidudulot sa bawat isa sa atin kagaya na lamang
ng mas nauunawaan natin ang ating mga kausap at mas naipapahayag nating mabuti
ang ating mga nararamdaman at gustong sabihin sa ating kapwa. Iilan lamang yan
sa mga mabuting epekto ng palaging pagamit ng ating wika.
Dahilan
na rin ng mabilis na paglipas ng panahon marami ng mga pagbabagong naganap sa
wikang Filipino kagaya ng mga nadagdag na mga salita at mga salitang hango sa
wikang Ingles. Ang wika ay isa sa napakahalang aspeto upang maging maunlad ang
isang bansa at ito ang siyang sumisimbolo sa ating pagkakakilanlan. Gamitin ito
ng wasto at tama at mahalin para na rin sa bawat isa sa ating mga Pilipino.
Wika pa rin ang pinakamahalagang sangkap sa anumang paraan ng mabisang
pakikipagtalastasan at komunikasyon.
No comments:
Post a Comment