Tuesday, August 21, 2018

Saliksikin ang Sariling Atin


Saliksikin ang Sariling Atin
(Isinulat ni Miles Rodriguez)

Wikang Pilipino ay isang napakagandang wika na ginagamit sa ating bansa ngunit bakit tila nawawala na ang pag gamit nito? Bakit tila hindi na napag tutuunan ng pansin ang ating sariling wika at hindi na napag aaralan ng husto at hindi na nagagawan ng mga pananaliksik? Nawalan na nga ba tayo ng interes sa mga bagay na sariling atin? Saan na nga ba napunta an gating interes ngayon?
Maaaring ngayon ay marami na tayong ibang napag lalaanan ng pansin at ibang bagay na sinasaliksik ngunit hindi na natin napapansin na ang sariling wika natin ay atin ng napapabayaan at hindi na natin ito napapalago at napag aaralan ng mabuti. Wikang banyaga mga kultura ng ibang bansa ang mga bagay na nakaka kuha ng ating atensyon at interes kaya naman nawawalan na tayo ng gana na pag aralan an gating sariling wika na dapat natin palaguin na dapat natin mahalin. Masyado ng tinatangkilik ang mga bagay na hindi naman sariling atin. Sa pag lipas ng panahon mga kabataan ay wala ng interes na pag aralan ang sarili nating wika dahil sa mas nakatuon na ang pansin nila sa mga banyagang bagay.
Wag nating kalimutan na ang pinakamahalagang bagay na dapat natin saliksikin ay ang sarili nating wika. Wag nating hayaan na makalimutan na ng mga susunod na henerasyon ang pinagmamalaking Wika ng ating minamahal na bansa. Wag nating hayaan na matabunan ng mga ibang bagay ang mga bagay na sariling atin matuto tayo na mahalin ang wika na nagsisimbolo ng ating pag kakaisa. Patuoy nating saliksikin at pag aralan mabuti ang sarili nating wika.



No comments:

Post a Comment