Kahalagahan ng Wikang Filipino
Ni: Patricia Anne Crisostomo
Ang wika ang pinakamahalagang instrumento sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ang nagsisilbing kasangkapan upang maipahayag natin
ng maayos ang ating saloobin. Ngunit ano nga ba talaga ang magandang naidudulot
ng wika sa atin? Nakatutulong din ba ito sa ating bansa? At bakit natin ito
kailangan pahalagahan?
Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang
malaya ito. Ang wika ang maituturing na pinakamabisang kasangkapan sa ating
pakikipagkomunikasyon. Dahil sa wika ay mas naipapahayag natin ng maayos ang
sariling opinyon, damdamin at saloobin sa iba. Mahalaga ang wika ng isang bansa
katulad ng Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ang nagpapatunay na mayroon
tayong sariling wikang maipagmamalaki. Malaki ang nagagawa ng Wikang Filipino
sa pagkakaroon ng magandang unawaan, samahan at ugnayan sa iba. Ang Wikang
Filipino ay hindi lamang natin magagamit sa pakikipagkomunikasyon ngunit pati
na rin sa ating ekonomiya. Sa ekonomiya, ito ang pangunahing kasangkapan upang
maunawaan natin ang bawat aksyon o galaw patungkol sa transaksyonal ng mga
produkto papalabas man o papasok ng ating bansa. Ang kaunlaran at pag-usbong ng
ekonomiya ay magandang dulot ng pagkakaunawaan. Napakaraming naitutulong sa
atin ng Wikang Filipino kaya’t marapat lamang na ito’y ipagmalaki at
pahalagahan.
Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika talaga ang
pinakamahalagang instrumento sa pakikipagkomunikasyon. Mahalin natin at
pahalagahan ng buong puso ang ating sariling wika hindi lamang sa salita ngunit
pati na rin sa gawa. Huwag natin ikahiya bagkus ipagmalaki natin ito. Huwag
natin kalimutan ang mga bayaning nagpursigi
upang tayo’y maging malaya at magkaroon ng sarili nating wika.
No comments:
Post a Comment