Wika ng Karunungan at Kaunlaran
Ni:
John Kelvin Manuel
Para sa taong 2018, ang tema ng ating
Buwan ng Wika ay “Filipino: Wika ng Saliksik”. Ang ating sariling wika ang
gagamiting midyum sa paglaganap ng karunungan at kaunlaran sa ating bansa. Kay
gandang isipin na ang sariling atin mismo ang magiging daan upang madagdagan
ang karunungan na ating taglay. Kung ating titignan ay uunlad ang iyong
pagkatao sa bagong kaalaman kasabay ang pag-unlad ng iyong sariling wika at
bansa. Pero bukod sa mga ito, bakit itong tema ang pinagtibay ng Kalupunan ng
mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24? At sa iyong tingin, ano ang
siguradong kakalabasan ng ating Buwan ng Wika na ito? Sino ang mga totoong nais
makibahagi sa pagpapalaganap ng temang ito? Saan ang mga larangan na masasakop
nito? Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng tema sa ating Buwan ng Wika? Kailan bibigyang
kahalagahan ang sariling wika natin? Paano mapapatupad ng ating Kalupunan ang
temang ito? Ano ang mga kailangang isauna upang maging matagumpay ang Buwan ng
Wika sa taong ito? Kung saang aspeto sisimulan ang pagpapatupad at paggamit ng
ating wika sa paglaganap ng karunungan? Kaninong kapakanan ang mapapaunlad ng
temang ito? At bukod sa mga katanungang ito, ano-ano ang mga naiisip mong
layunin ng paggamit ng ating wikang sa pagsasaliksik na may kahalagahan sa
bawat isang Filipino at sa ating bansa na sakop din ang iba’t ibang antas ng
karunungan katulad ng matematika at agham?
Para sa akin, napakahalaga ng ating
wika upang umunlad ang bawat isa sa atin. Kaya naman ipinagtibay ng ating
Kalupunan ng mga Komisyoner ng KWF ang Kapasiyahan Blg. 18-24 ang temang ito
upang magamit at mahalin natin ang sariling atin lalo na ang ating pambansang
wika. Siguradong marami silang plano upang maging matagumpay ang ating Buwan ng
Wika pero tayo mismo ang kusang dapat nakikilahok sa mga ganitong aktibidad
para sa pag-unlad ng ating bansa. Malawak din ang larangan sa karunungan ang
sakop nito na ating ikinaganda dahil sa pagkakaroon ng tiyak na tema ay alam
natin kung saan mismo tayo tututok at magsisimula. Kung hindi man natin
pinapahalagahan ang sariling atin ay ito na siguro ang magiging simula upang
tayo’y mapamahal kahit lamang sa ating wika. Tayo lamang ang magiging pag-asa
at makakatulong sa pagpapatupad nito na ikakatagumpay ng ating Buwan ng Wika
kapag inuna natin ang kapakanan ng sariling bansa at pang-unlad natin.
Kailangan nating simula sa sarili mismo natin upang tuloy-tuloy ang
pagpapatupad at paggamit ng ating wika na kapakanan din natin mismong
mapapaunlad lalo na sa karunungan. Marami ang dulot ng tema ng Buwan ng Wika
natin ngayong taon at sa aking palagay din magaganda ang layunin nito para sa
atin. Ang pag-unlad ng ating wika at bansa, matutong mahalin ang sariling atin,
pag-unlad ng sariling pagkatao at ang dagdag kaalaman o karunungan ay ang mga
layunin ng paggamit sa ng wikang Filipino sa paglaganap sa karunungan at
kaunlaran sa ating bansa.
Bilang mag-aaral at isang mamamayang Filipino,
dapat lamang na mahalin natin at paunlarin ang mga bagay na sariling atin lalo
na ang ating pambansang wika. Marami ang mga natutunan at napatunayan base sa
sanaysay na ito. Ang bawat tema na pinapalaganap sa Buwan ng Wika ay may
kanya-kanyang layunin pero kung titignan ay iisa lamang ang gusto nito kundi
ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga mamamayang Filipino para sa ating bansa. Ang
mga napulot na aral sa tema at kahit sa mismong pamagat lamang ay napakahalaga
sa bawat isa sa atin. Ito ay tumutukoy na kailangan natin ng pagkakaisa upang
umunlad sa maraming aspeto ng ating buhay pati sa aspeto ng karunungan. Kaya
para sa akin, huwag natin kakalimutan na unahin ang sariling atin dahil wala ng
ibang magmamahal dito kung mismong tayong mamamayan ng ating bansa ay hindi
natin ito minamahal. Tayo mismo dapat ang maging modelo sa pagmamahal ng
sariling atin.
No comments:
Post a Comment