Wikang nakasanayan
Ni: Arjonalyn Yabut
Wika? Ano nga ba ang wika para sa ating lahat? Diba't ito ay
ating ginagamit at ito'y nakasanayan na? Diba't ito rin ang dahilan kung bakit
tayo nagkakaunawaan dahil sa wikang ginagamit natin sa pakikipagusap? Diba't
ito rin ang ginagamit natin sa pagsusulat at pagawa ng sanaysay o tula katulad
na lamang na ginagawa ko ngayon? Halinat talakayin natin kung ano nga ba ang
wika para saatin.
Ang wikang nakasanayan natin ang siyang lagi nating binibigkas
o ginagamit sa pang araw-ara , ito rin ang nakasanayan natin kung saang lugar
man tayo naroroon dahil may iba't-ibang wika ang nabibigkas sa ibang lugar o
baryo kung tawagin sa probinsya, ang wika ay napakahalaga sa ating mundo dahil
ang wika ang siyang nagbibigay kung paano unawain ang kausap o isat-isa dahil
dito nakakagawa din ito ng tula o kung ano pang kasulatan, sa panahon nating
ngayon ang wika ay unti-unting nagbabago katulad na lamang ng beki
"words" o kung ano pang wika ang naidadagdag sa ating bansa, kaya't
ako'y mayroong sasabihin sa kapwa kong tao, bakit hindi natin tangkilin ang
ating sariling wika, balikan natin ang sariling wika dahil ito ang wika na
dapat nating ginagami , ang sariling wika at hindi yung kung ano mang wika ang
nababago dahil natatabunan na natin ang sariling wika natin kaya sa aking kapwa
tao mahalin natin kung anong wika ang nasaatin at dapat ito'y pahalagahan dahil
ito'y nakalaan para sa atin.
No comments:
Post a Comment