Ang Wikang Atin
Mula kay: Princess
Cruz
Ang buwan ng agosto ay buwan ng
wikang Filipino. Sa araw-araw na buhay ng bawat isa, ating ginagamit ang wika
upang makipag talastasan, makipag komunikasyon, at maging sa ating
pakikisalamuha sa ibang tao. Bakit nga ba ginagamit ang wika? Paano ito nakakatulong
sa bawat isa? Marahil marami sa atin ay hindi alam ang halaga nito sa ating
buhay. Ngunit nais kong malaman ninyo ang importansya nito.
Bilang isang magaaral, sa ating
pagpasok sa paaralan ay kaakibat nito ang paggamit ng ating wika, ang Filipino.
Ito ay ginagamit natin sa pakikipag komunikasyon sa ating kamag-aral maging sa
ating guro. Ginagamit ito sa marami, kagaya na lamang ng paggawa ng thesis,
pagsulat ng sanaysay at iba pang may kaugnayan sa edukasyon. Malaki ang
naitutulong ng ating wika sa bawat isa sa atin. Sapagkat ito ay ang bagay na
nakapag papaugnay sa mamamayang Filipino. Ang ating sariling wika ay kadikit na
ng ating pinagmulan at ito rin ay ang sumasalamin sa ating kultura. Kaya’t ating
pakaingatan ito.
Bawat tao ay may kanya kanyang
paraan kung paano ipagmamalaki at payayabungin ang sarili nitong wika. Bilang
isang Filipino, ating ipagmalaki ang wika natin sa pamamagitan ng paggamit nito
nga maayos at may kabuluhan. Gawin nating parte ng ating buhay bilang
mamamayang Filipino ang mapalaganap ang kaunlaran at karunungan sa ating
paaralan, maging sa ating komunidad.
No comments:
Post a Comment