Tuesday, August 21, 2018


"TUNGO SA PAGKAKAISA NG BAWAT PILIPINO SA WIKANG FILIPINO"
Ni: Maria Victoria Karla Landas

Nakakatulong ba ang Wikang Filipino sa atin? Bakit nga ba ito mahalaga? Ito ang Wikang Filipino na nagbibigay pag-asa sa ating mga pilipino, na nagpaunlad sa ating sariling bayan. Bukasan ang inyong isip at isa puso ang bawat salita na inyong nababasa. Itanim sa puso't isipan ang aral para matanaw ang kaalaman na nag-uumapaw. Dahil ngayong Buwan ng Agosto tayo'y magpapamalas at magbabalik tanaw, nang minsan ang pambansang wika, ang sariling wika, ang wika natin ay binuo.
Wikang Filipino, wika ng bawat pilipino. Ikaw, ako, tayo ay iisa sa mundong pilit tayong binabago. Noon ang ating mundo'y puro gulo lamang ang kinagisnan. Bawat sibilisasyon bingi. Bingi sa bawat boses ng bayan, sarado ang puso't isipan at hindi mailathala ang pagkakaintindihan, maging ang mga pangkat ay watak-watak sa ginagalawan. Oo nga't may puso ang bawat isa, ngunit hindi ito maipahayag ng tama pagkat walang pagkakaunawaan at pagkakaisa sa bawat tinubuang lupa. Paglalakbay na hindi alam kung saan paroroon, konting porsyento ng pag-asa'y pa wala na. Liwanag ng buhay ay hindi na madama, ngunit may isang wikang namumukadkad. Ito... Ito ang WIKANG FILIPINO. Dumating ang wika na siyang nagligpit at nag-ayos na iniwan ng nakaraan. Wikang nagsilbing pandikit na ipinagdikit-dikit ang bawat watak-watak hanggang sa magbuklod ang mamamayan. Wikang nagtahi ng punit-punit na kultura, na sa bawat pagtusok ng karayom ay unti-unting binuo ng sambayanan. Ang lamat na kinagisnan ay inukit at pinalitan ng bawat letrang tungo sa pagkakaintindihan.
Dito na nagsimula ang mabilis na komunikasyon na nagbigay daan upang dumami ang ideya at opinion, sa kabila ng iba't-ibang paniniwala, ay pinagkaisa bawat pilipino. At ginamit ito tungo sa pambansang kaunlaran. Ang wala ay nagkaroon, ang mayroon ay lumago. Dahil sa wika na ginagamit ng mga Pilipino, sa bawat giyera ng buhay na kinakaharap ay may hawak  sandata. Ito... Ito ang ating wika. ANG WIKANG FILIPINO! Sa kasalukuyan mapapansin natin ang mga kabuteng wika sa ating bayan, na pilit tayong binagabo at naiimpluwensyahan ngunit bilang tapat na pilipino, iisa lang ang nakaukit sa ating palad. Ito... Ito ANG WIKANG FILIPINO. Maaaring natututo tayo ng iba't ibang wika, datapwat dapat nating tangkilikin ang wikang atin. Palaguin natin ang ating sariling bokabularyo, upang maipakita sa sariling wika'y may malasakit tayo at masasabi natin ang pagmamahal sa bayan ay totoo.

No comments:

Post a Comment