Ang pagbawas ng gumagamit ng wikang Filipino
Isinulat
ni: Abby Caralinan
Bakit ang
wikang pilipino ay unti unti ng nawawala sa ating lipunan? Ano ba ang di
magandang maidudulot sa ating lipunan? Akala ko ba wika ang pagkikilanlan ng
iba't ibang bansa? Pano pag tuluyan ng nawala ang wikang kinagisnan pano na ang
ating bansa?
Dahil sa
pagpasok ng mga iba't ibang lengguwahe gaya ng jejemon mga beking salita, mga
iba't ibang lengguwahe ng ibang bansa atbp, tuluyan ng nasasapawan ang wikang
filipino. Sa unti unting paghina at pagbawas ng wikang filipino, unti unti na
rin tayong nawawalan ng pagkikilanlan. Paano tayo makikilala kung ating
sariling wika ay kinakalimutan na mas madami pa tayong alam na salita sa ibang
wika kesa sa sarili nating wika na di tinatangkilik ng ibang mamamayan, mas
pinipili nilang tangkilikin ang wika ng ibang bansa kesa sa sariling wika. Pag
tuluyan ng naqala ang wikang filipino, tayo mawawalan ng pagkilanlan, kaya
hanggat maaga ito ay solusyunan.
Wikang
filipino ay ating mahalin, panatilihin ito at gamitin natin, dahil mahalaga ang
wika natin dahil eto ang sumisimbolo sa pakikilanlan natin. Dalasan ang
paggamit mg purong filipino, talingkilikin at pag aralan ito, unti unti ibalik
ang sila ng nayon pilipino.
Napasok na
nito'y mga larangan ng mga gawaing panpaaralan, ginagamit sa pakikipag usap sa
ibang bayan, upang ay magkaintindihan. Wikang
filipino ating mahalin dahil iti ay sariling atin, wikang filipino ay dapat
ipagtanggol lalo't iisiping dito'y ginugol, wikang filipino, ikaw ay mabuhay
itataguyod at gagamitin sa pang araw araw.
No comments:
Post a Comment